Isang Ina, Nangungulilå sa Anak na Halos Isang Buwan ng Nåwåwala!

0
63

Mahiråp para sa isang ina ang mawalan ng anåk. Hindi lamang doble o triple ang såkït na nararamdaman ng isang ina sa tuwing may hindi magåndang nangyayari sa kanilang anak.

Kung minsan pa, kapag nawala sa paningin ang kanilang anak ay hindi na mapalagay ang isang ina at kung anu-ano na rin ang mga iniisip nila.

Tanging pagdarasal ang kadalasang nagiging sandigan ng mga ina lalo na kung sa tingin nila ay nasa kapahåmåkan ang kanilang anak.

Viral naman ang isang post na ibinahagi ni Olyn Ricafort Lasco sa kanyang facebook account nitong Setyembre 24.

Sa kanyang post, ay nananawagan siya ng tulong sa kung sino man ang nakakita sa kanyang kapatid na lalaki na si Ricardo “Jonjon” Lasco, Jr na halos mag-iisang buwan ng nawawala.

44-taong gulang umano si Ricardo at huli siyang nakita noong Agosto 30, 2021 bandang 10:25 ng umaga.

Nagbigay ng ilang impormasyon si Olyn para sa mga tao na makakapagturo kung nasaan ang kanyang nawåwalang kapatid.

Nagmamakaåwa na rin siya na maibalik ang kapatid dahil lubhang nahihiråpan na ang kanilang ina na naghihintay kay Ricardo sa pag-uwi nito.

Maging ang anak ni Ricardo ay hinahanap na rin siya. Sa mga larawang ibinahagi ni Olyn ay makikita ang såkït na nararamdaman ng kanilang ina.

Makikita na umiïyak ito, tinitingnan ang larawan ni Ricardo at nakaupo sa labas habang hinihintay ang pagbalik ng anak.