Isang Guro ang Pansamantalang Inalagaan ang Aso ng Isang Estudyante Dahil Walang Mag-aalaga sa Kanilang Bahay

0
190

Sadya ngang samu’t saring kwento ang mga naririnig natin patungkol sa mga guro na itinuturing rin nating makabagong bayani. Nariyan ang pagsasakripisyo nila ng oras sa mahabang paglalakad papunta sa paaralan o di kaya naman ay paglalaan ng sariling pera para sa kapakanan ng kanilang mga estudyante. Maliban nga sa propesyon na kanilang sinumpaan ay siniseryoso rin nila ang pag-aalaga sa mga bata at sa katunayan ay literal na tumatayong pangalawang magulang ng mga ito.Kaugnay nito, kamakailan lang ay isang guro na naman ang hinangaan ng mga netizens matapos niyang maging viral sa social media dahil sa pagpapakita ng magandang kalooban sa isang tuta!

Isang estudyante ang nagdala ng dalawang buwang tuta sa kanilang paaralan sa kadahilanang walang mag-aalaga nito sa kanilang bahay at noong una ay nag-aalala ito dahil baka mapagalitan siya ng kaniyang guro kaya naman palihin niya itong dinala sa loob ng silid-aralan.

Napansin nga ng kanilang Science Teacher ang cute na tuta at agad na tinawag ang atensiyon ng bata. Laking gulat ng buong klase dahil sa halip na magalit ay mahinahon nitong hinawakan ang aso at pina-kalma. Dog-lover din pala si Teacher!

Sa mga larawan na ibinahagi ng concerned netizen na si Liza Arambulo ay makikitang karga-karga pa ng guro ang tuta at paminsan-minsan ay hinahayaan niya itong tumayo sa taas ng kaniyang mesa. Dahil nga dito ay naging tahimik ang silid-aralan habang abala ang mga estudyante sa pagkopya ng kanila leksiyon para sa araw na iyon.

“So nagdala ung classmate ko ng tuta, sabi niya wala daw magbabantay. Then, kala naming lahat lagot kami sa teacher namin pero tingnan niyo awwww.”, caption ni Liza sa kaniyang viral post na ngayon ay umaabot na sa mahigit kumulang 45 thousand likes at 42 thousand shares.


Talaga namang napaka-cute ng tuta na nakilalang si Nomo at hindi lang mga estudyante ang nabighani sa ganda niya kundi pati na rin ang kanilang guro na nagpakita ng magandang halimbawa sa mga bata lalo na pagdating sa pagpapahalaga sa mga hayop sa ating kapaligiran..

Tatay Na Tulak Ang Sirang Bike Sa Paglalako Ng Mani Habang Kasama Ang Kaniyang Aso, Dinagsa Ng Tulong!

Nahabag ang maraming netizens matapos makita ang mga larawan ng isang lalaki na matiyagang naglalakad para maglako o magbenta ng mani bitbit ang kaniyang bisikleta kung saan nakasakay ang kaniyang alagang aso.Ayon sa post ng netizen na si Franklin Ramos Mariscal, siya daw ay naglalakad sa South Bus Terminal sa Cebu noong Enero 8 nang mapukaw ni tatay na naka-bike at kasama ang aso nito ang kaniyang atensyon.

Dagag pa niya, noong una daw ay akala niya namamasyal lamang ang dalawa ngunit nalaman niya na si tatay ay nagbebenta pala ng mani.


Makalipas ang ilang sandali ay nawala na sa kaniyang paningin si tatay. Ngunit, muli niya itong nakita noong siya ay tumawid ng pedestrian lane papuntang Flying V at 7/11. Hindi na nagdalawang isip noon ang netizen at nilapitan na si tatay para kausapin ito. Ayon kay Franklin, dumadaing umano si tatay na masakit na ang kaniyang likod dahil sa ilang oras na paglalakad na tulak tulak lamang ang kaniyang bisikleta sa kadahilanan na sira na ang gulong nito.

Hinawakan ni Franklin ang aso na kasama ni tatay. Napansin niya na ito ay maamo at tila sanay na sa mga tao. Ayon kay tatay, ang kaniyang alaga ay isang golden retriever.


Nahabag si Franklin sa kalagayan ng dalawa kaya naman naisip niyang kuhanan sila ng litrato at i-post sa social media para manawagan na din sa mga netizens na bumili kay tatay dahil ito ay malaking tulong na sa dalawa.

Dinagsa naman ng kumento ng mga netizens ang post ni Franklin at marami din ang nais maghatid ng tulong para kay tatay. Nais nilang gumawa ng isang fundraising project para maipaayos o makabili ng bagong bike para kay tatay. Nais din nilang magawan ng kumportable at ligtas na upuan ang aso dahil ito ay nakasabit lamang sa kaniyang bike.

Ibinigay naman ni Franklin ang kaniyang cellphone number at bank account para sa mga nais na magbigay o magpadala ng pera.