Isang Ama na Nagtatrabaho Bilang Lineman, Nagsuot ng Pakpak na Bigay ng Kanyang Anak

0
133

Walang batayan ang makakapagsabi kung gaano ka-mahal ng mga ama ang kanilang mga anak.

Bilang isang haligi ng tahanan ay sila ang nagsisilbing sandalan ng pamilya kaya naman, handa silang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya lalo na para sa kanilang mga anak.

Ang isang ama ay handang magtrabaho kahit na ito pa ay delikad0 para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.

Ito ay pinatunayan ng isang ama na nagtatrabaho bilang lineman. Makikita sa larawan na habang siya ay nasa itaas ng hagdanan at tila abala sa kanyang trabaho ay suot niya ang pakpak na ibinigay umano ng kanyang anak.

Pahayag ni Keith Anderson sa kanyang facebook post, “His young daughter found out what he did for living, so she made him wings so he would be safe.” Ang a good dad will wear his daughter’s wings.”

Maraming netizens naman ang naatig sa larawan na ito. Marahil umano ay naisip ng bata na delikad0 ang trabahong pag-akyat sa poste ng kanyang ama kaya gumaya siya ng pakpak para maging ligtas ito.

Kung iispin ay talagang nakakaaliw at nakakatuwa ang ideya ng anak nito at maging ang ama na ito ay proud sa ginawa ng kanyang anak para sa kanya kaya isinuot niya ito habang nagtatrabaho.

Simple man ang buhay ay mahalaga na napupuno tayo ng pagmamahalan lalo na sa ating pamilya. Nawa’y maging inspirasyon ito sa mga tao lalo na sa mga anak na basta-basta na lang humihiling sa kanilang magulang kahit na alam nila ang paghihiråp at mga sakrispisyo nito.

Hiniwalayan ng asawa dahil sa itsura ,hindi matanggap sa trabaho kasi pinandirihan

Gaano nga ba kaimportante ang itsura sa ibang tao? At gaano ano ba ang kaya nating gawin para sa ating mga anak?

Tunghayaan natin ang kwento ng Isang nanay na matiyagang nakaupo sa over pass bandang SM fairview na nag aantay ng kaunting barya na maipag kakaloob sa kanya, kahit tirik ang arae hindi nita ito alintana basta may maiuwi itong pera para sa kanyang mga anak.

Sa malayo palang makikita mo na ang kanyang nakakaawang itsura siya ay si Jean Ligue Palquera, apat na pot tatlong taong gulang, meron din siyang labing isang anak ang limang anak niya na nasa puder pa niya ay magisa niyang tinataguyod ang kanyang anak dahil hiniwalayan siya ng kanyang asawa at sumama sa iba

Ayun kay Nanay Jean nahihiya man siyang gawin ito ngunit wala daw siyang magawa dahil hindi niya kaya na magutom ang kaniyang mga anak. Nag hahanap naman daw siya sa trabaho pero pag nakita na ang kanyang itsura tinatanggihan at pinangdidirahan pa siya ng mga ito.

Si Nanay Jean ay may sakit na Neurofibromatosis isang uri ng karamdaman na kung saan isang tumor na tumutubo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kalunos lunos man ang buhay na sinapit ni Nanay Jean hindi parin ito sumusuko sa mga hamon ng buhay.

Gayun pa man nag bigyan parin siya ng tulong ng ating mga netizen, Nag papasalamat si nanay Jean sa panginoon at sa mga tumutulong sa kanya.