Isa sa mga anak ni Nanay Josie, ipinagtanggol si Donnalyn Bartolome sa mga paratang ng vlogger na si Jose Hallorina

0
464

Lumabas na ang anak ni Nanay Josie, ang lola ni Donnalyn Bartolome na pinabayaan umano niya sa lansangan.

Naging malaking isyu ang sagutan ng mga vlogger na sina Jose Hallorina at Donnalyn Bartolome.

Matitinding akusasyon ang binato ni Jose Hallorina kay Donnalyn Bartolome nitong Lunes, August 9.

Trending sa Youtube ang video ni Jose na may title na ‘DONNALYN, BAKIT NAGING HOMELESS ULIT SI NANAY JOSIE?’, kung saan nilabas ng vlogger ang kanyang hinanakit kay Donna.

Nilantad ni Jose na isang taon na ang nakalipas ng mamalam si Nanay Josie, na kapatid ng lola ni Donnalyn, at nakita niya umano ang labi nito sa kalsada at nanatili raw itong homeless.

Kinuwestiyon ni Hallorina si Donnalyn kung bakit naging homeless ulit si Nanay Josie matapos niyang i-turnover sa kanila ang matanda.

Dahil dito ay naging tampulan na namang muli ng mga bashers ang social media pages ni Donnalyn.

Ngunit sa gitna ng isyu ay lumabas at nagbigay ng pahayag ang isang Dennis Devera.

Anak umano siya ni Nanay Josie at isiniwalat niya ang pagtulong ni Donnalyn para sa ina na hindi na pinapakita sa camera.

Aniya, hindi dapat sisishin si Donna sa pagkawala ng kanyang ina, kung tutuusin ay malayong kamag-anak na daw nila ang vlogger.

Pero patuloy nitong tinutulungan ang kanyang ina, salungat sa mga pahayag umano ni Jose sa kanyang video.

Binilhan daw ni Donna ng motor, binigyan ng puhunan pang negosyo, inupahan ng matitirahan, at binayaran ang mga utang.

Pati mga kagamitan sa bahay ay binilhan din ni Donna si Nanay Josie plus may monthly allowance pa.

Ngunit si Nanay Josie daw mismo ang pumili na mamamalimos pa din. Dahil halos 30K daw ang kinikita dito buwan buwan.

Narito ang kabuuan ng post ni Devera:

Vlogger na si Jose Hallorina, galit na naglabas ng sama ng loob kay Donnalyn Bartolome dahil sa pagpanaw ni Lola Josie

Naging usap-usapan nanamang muli ang tungkol sa pagpapabaya diumano ni Donnalyn Bartolome sa kanyang Lola.

Ito ay kaugnay sa mga naging pahayag ng YouTuber na si Jose Hallorina kamakailan.

Nagsimula ito noong 2019 kung saan nakita ni Jose ang isang matandang naka-wheel chair na namamalimos sa kalsada.

Ang matanda ay nagpakilala bilang “Nanay Josie” na nakatira lamang sa isang “kuliglig” o sidecar at pamamalimos lang ang pinagkukunan ng pang-gastos sa araw-araw.

Napag-alaman na ang matanda ay kamag-anak raw ng sikat na influencer at aktres na si Donnalyn Bartolome.

Ayon kay Jose, Mama raw ang tawag ni Donnalyn sa matanda at tumira raw ito sa bahay nila nang mahigit dalawang taon bago ito mapalayas at tumira sa kalsada.

Matapos magtrending ang video ni lola Josie, agad namang nagbigay ng opinyon si Bartolome sa kanyang Youtube account.

Paglilinaw ni Donnalyn, ang matandang ininterview ni Jose ay kapatid ng kanyang lola na nanay ng kanyang mama.

Nakipag-usap raw si Jose sa pamilya nila Donnalyn para i-turnover sa kanila ang pangangalaga.

Sapagkat sila naman daw ang kapamilya nito. Akala raw ni Jose ay okay na ang lahat hanggang sa nakatanggap ito ng tawag.

Na namaaalam sa tabi ng kalsada ang tinulungang matanda.

Nanatili siyang tahimik kahit na galit na galit ito dahil mayroon siyang pinirmahang agreement kung saan idi-delete niya lahat ng video na may kinalaman kina Nanay Josie at Donnalyn at hindi na ito muling pag-uusapan dahil makakasira nga sa imahe ng dalaga.

Nagulat raw ito nang makatanggap ng demand letter mula kay Donnalyn at sa mga abogado nito.

Sa nasabing video ay ibinahagi din ni Hallorina na dahil sa pagtulong niya sa matanda

Ay idedemanda siya ng kampo ni Donnalyn.

Handa naman umano si Hallorina na harapin sa korte si Donnalyn.