Inspiring story: 10 year old na babae, nagsilbing magulang sa dalawa niyang kapatid matapos iwanan ng kanilang nanay

0
328

Sa murang edad ay naging ina at ama na siya sa kaniyang dalawang nakabaabatang kapatid, matapos pumanaw ang kanilang ama dahil sa malubhang karamdaman nito.

Makalipas lamang ng ilang buwan ay iniwan naman sila ng kanilang ina sa kanilang tiyo, hindi sinabi nito kung saan ito pupunta at hindi na muling bumalik pa sa kanila.

Nakilala ang batang babae bilang si Xiao Ying na nakatira sa maliit na nayon ng Nantang Gaozhou, China sa edad na sampung taon ay naging ama at ina na siya sa kaniyang dalawang maliit na kapatid,

Gustohin man ng kaniyang tiyo na ampunin ang kaniyang dalawang kapatid, upang isama sa bayan hindi pumapayag si Xiao, dahil ayaw niyang mawalay sa kaniyang dalawang kapatid, kaya araw-araw maagang gumigising si Xiao Ying upang asikasuhin ang kaniyang dalawang kapatid, nag-luluto narin ito ng agahan dahil bata palamang siya ay lagi na niyang pinapanood magluto ang kaniyang ina, at dahil dito natuto narin siya kung papaanong magluto, kapag tapos siyang magluto ay isinasabay naman niya ang pagpapakulo ng pampaligo ng dalawang kapatid nito.

At sabay-sabay silang papasok sa paaralan.lamang si Xiao Yin ng baytang ng pag-aaral sa kaniyang mga kapatid, kaya ginagawa nito ang lahat ng kaniyang makakaya upang matulongan at masupportahan ang kanilang panga-ngailangan sa araw-araw,

Sa murang edad ay pinapasok na niya ang mga gawaing mabibigat upang may-maipambili sila ng makakain ng kaniyang mga maliliit na kapatid, simple lamang ang pangarap ni Xiao ang makapag tapos ng pag-aaral ang mga ito at magkaroon ng magandang kinabukasan, kaya sa murang edad ay para bang naging mulat na ito sa lahat ng bagay at ang kaniyang pag-iisip ay naging matanda na kung mag-isip.

Guro, Binigyan ng Saging ng Kanyang Estudyante Kahit na Hiråp sa Buhay

Sabi nga nila, kadalasan, kung sino pa ang walang-wala ay sila pa ang mapagbigay sa kapwa. Pinatotoohanan naman ito ng isang batang lalaki kung saan ay binigyan niya ang kanyang guro ng saging kahit na salat sa buhay.

Ang larawang ito ay ibinahagi ng guro na si Teacher Ryan James Duenas. Aniya, kahit na wala umanong pangbili ng tsinelas ang kanyang estudyante ay mabuti ang pusô nito dahil nagbigay ito sa kanyang ng saging.

Mabilis na kumalat sa social media ang nakakaantig na ginawa ng batang si Manuel kung saan ay binigyan niya ang kanyang guro ng saging.

Ayon sa kuwento ni Teacher Ryan, nahuling dumating si Manuel at napansin niya na wala itong suot ng tsinelas. Tahimik lamang ang bata at hindi mapakali. Napagpasyahan naman ni Teacher Ryan na lapitan si Manuel.

Nagulat si Teacher Ryan nang kinuha ni Manuel ang saging sa bag nito at ibinigay sa kanya. Lumambot ang pusô ni Teacher Ryan dahil sa kabutihan ng bata.

Naging inspirasyon sa marami ang batang si Manuel. Kung iisipin ay talagang mahiråp ang kalagayan ng bata dahil kahit na tsinelas ay wala siya ngunit, naisip pa rin na magbigay sa kanyang kapwa kahit na walang-wala siya.