Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na hinahanap at gustong matulungan ni Vhong Navarro ang dating komedyanteng si Allan “Mura” Padua

0
544

Sa latest vlog ng TV host-commedienne na si Ogie Diaz sa kanyang bagong update sa showbiz kasama si Mama Loi.

Sa vlog, pinag-usapan nila ang naging viral interview ni Allan “Mura” Padua ang dating komedyante at side-kick ng aktor na si Vhong Navarro.

Ayon kay Ogie, sa panayam kay Mura binanggit nitong si Vhong ang matalik niyang kaibigan sa showbiz noong siya ay nasa entertainment industry pa.

Matatandaan naman na si Mura ay nakagawa ng maraming pelikula kung saan kasama niya lagi ang aktor na si Vhong, na gumaganap bilang kanyang sidekick noong araw. Kasunod ng balitang ito, sinabi din ni Ogie na hinahanap na ni Vhong ang contact number ni Mura.

Payahag ni Ogie, “Ako naman sasabihin ko na, ito pangungunahan ko na. Parang John Lloyd din ‘to at si Karen Davila, na yun nga, sa totoo lang hinahanap sakin ni Vhong Navarro ang number ni Mura.”

Ayon pa kay Ogie, gustong makausap ni Vhong si Mura upang ito ay kanyang muling makita at mapaabutan ng tulong.

“Gusto niyang makausap si Mura. Nako, ewan ko kung kailangan ko ‘tong sabihin, pero sila na lang bahalang magusap ni Mura. Kasi gustong tulungan ni Vhong si Mura,” saad ni Ogie.

Bukod kay Vhong, nabanggit din ni Ogie na balak din niyang tulungan si Mura sa kanyang sitwasyon ngayon. Sa kalagayan nga ng dating komedyante kaya nais siyang matulungan ng kanyang ng dating mga naging kaibigan sa showbiz.

Marami sa mga naging artista noon ang naghirap ang buhay dahil sa mga bagay na hindi inaasahang mangyayari.

Ngunit, sa ganitong sitwasyon nakilala ang totoong mga kaibigan na handang tumulong sa kapwa nila artista upang makabangon sa buhay. At isa na nga doon ang buhay ng dating komedyante.

Kalagayan ng Artistang si MURA na dating loveteam ni Mahal

Kinamusta ng isang sikat na Vlogger youtuber na si Virgelyncares ang isang dating sikat na artistang si Mura, sinamahn rin ng Vlogger kung ano ang kinabubuhay nito sa kasalukuyan.

Kwento ni Mura nais man niyang makabalik sa showbiz upang kumita ng pera para sa kaniang pamilya ay hindi niya magawa dahil sa ραndεmια na kinakaharap ng bansa ay may problema narin siya sa kaniyang kalusugan, aniya nagkaroon siya ng pilay sa kaniyang paa dahil sa paglalakad niya mula sa kanilang taniman na halos inaabot ito ng kalahating oras sa paglalakad.

Naubos rin ang kaniyang ipon at halos siya rin ang lahat ang gumagastos para sa kaniyang pamilya.

Dahil sa ganitong kalagayan ng dating sikat na aktor ay halos nag lugmok ito sa hιrαρ. kaya’t halos mapaiyak nalang ito sa vlogger.

Kaya’t dahil dito ay hinandugan ito ng kaunting tulong ng vlogger ng kaunting financial pera upang makatulong kay mura, kinawaan naman ito ng maraming netizen matamos mapanood ang video vlog ni Virgelyncares2.0 sa kaniyang social media

Saad ng maraming netizen “Sana matulungan din si mura sa naging kasama niyang mga artista idol ku si mura at mahal lahat ng mga Movies pina nuod ku talaga at hindi ako ng sawang ulit ulitin salute ako sayo mura ingat godbless you thank you Virgelyncares 2.0 more power po sa vlog niyo idol mura mag vlog kadin kasi marami kadin naman taga hanga” Aiza Lizel