Nakakaawa ngunit kahanga-hanga ang mga matatanda na patuloy pa rin ang paghahanap buhay sa kabila ng kanilang edad. Minsan kasi kahit na gusto na nilang humito sa pagtatrabaho ay hindi nila ito magawa gawa nang kailangan nila ng pantustos sa kanilang pang araw-araw na buhay.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng netizen na si Miracarl Barde ang nakakaantig na larawan ng isang nanay na nagtutulak ng kariton lulan ang kanyang mga panindang mais kahit na sa maulang panahon.

Caption ng netizen sa kanyang post,

“Umuulan, umaaraw nagtitinda pa din si nanay. Sana po bilhan po niyo siya pag makikita niyo. Masayang masaya na po siya. Sana po may tumulong po sa kanya.”

Kahanga-hanga ang kasipagan ng matanda dahil kahit tila mukhang hirap na siya ay pinagpapatuloy pa rin niya ang kanyang trabaho sa pagtitinda. Di tulad ng iba na malalakas pa ang katawan ngunit mas pinipili na lamang manlimos o umasa sa iba.

Panawagan ni Barde na sana ay kung mayroon mang makakakita o makakasalubong man si nanay habang nagtitinda ay bilhin nila ang kanyang mga panindang mais. Base sa komento ng ilang mga netizens ay taga Sta. Cruz, Laguna raw ang matanda.

Maraming netizens ang naantig at nag-share ng kanyang post. May halong awa at pagkalungkot ang nararamdaman nila sa matanda. Maraming netizens ang nag-tag sa mga naglalakihang programa tulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho at Raffy Tulfo in Action upang sa ganoon ay mapansin ang kasipagan ni nanay at siya ay matulungan

Wika ng isang netizen,

“Sa edad mo Nay dapat nasa bahay ka na lang at inaalagaan. Ang sakit sa puso makakita ng ganito.”

Panawagan naman ng isang netizen na kung sino man ang mga anak o kamag-anak ng matanda ay sana ay papagpahingahin na lamang siya sa bahay dahil delikado na rin para sa kanyang edad ang naglalako ng mga paninda sa kalsada lalo na kapag umuulan.

Read also:

WATCH | Isang “89 anyos na lola mag-isang nakatira sa sobrang liit na barong barong”

Viral ang isang Lola na kinilala nasi lola Kayang na mag-isang naninirahan sa maliit at sira sirang barong barong. Sa kabila ng katandaan ay wala siyang ibang katuwang sa buhay dahil ang kanyang mga anak ay may mga pamilya na at malayo raw mula sa kanyang lokasyon.

Dala ng kahirapan, kalungkutan at pangungulila sa kanyang pamilya, ay ninais na raw niyang wakasan ang sariling buhay. Sa pagbalik ng vlogger na kilala bilang Pugong Byahero, ay napagkasunduan nila ni Lola Kayang na tutulungan siya nitong magkaroon ng matitirhan kasama ang anak niya at pamilya nito.

“Ayaw mo ba na doon na lang sa anak mo tumigil? ‘Yong nandito  iyong anak mong babae” tanong ngv vlogger. “Eh, wala nga akong matulugan doon, eh. Kaya ayaw akong papuntahin doon, eh” sagot ni Lola. “Wala din namang pera na pampagawa” dagdag pa nito.

Ngunit ayon sa matanda ay gusto niyang manirahan kasama ang kanyang anak sa bahay dahil nangungulila ito sa pamilya. Kaya naman ang vlogger na si Pugong Byahero ay nagbigay tulong upang mapagawan ng maayos na tirahan ang matanda kalapit sa anak nito.

Naikwento rin ni Lola Kayang na ang kanyang panganay na anak ay namatay dahil sa aksidente sa trabaho. Kaya naman ang kanyang anak na babae, na pinakamalapit ang tirahan sa kanya, ang tinuturing niyang panganay sa ngayon.

Dahil sa katandaan ni Lola, hindi niya maalala ang vlogger na kanyang kausap ngayon ay nagbalik lamang at nagpunta na rin sa kanya kahapon.

Hindi sinabi ng vlogger na iisa ang nagpunta at kumausap sa kanya noong nakaraan at ngayon kaya naman nagkwento ang matanda kung gaano siya naging emosyonal noong kausap niya ito. Sabi pa ni lola ay gusto niyang magpabili ng lason upang wakasan ang kanyang buhay dahil wala raw umiintindi at nag aasikaso sa kanya.

Sa edad na 89, naiintindihan ni Lola Kayang ang sitwasyon ng mga anak at apo. Hindi niya sinisisi ang mga ito sa kanyang kalagayan ngunit nahihirapan na siyang mag isa kaya niya ninais na tapusin na ang buhay.

Sa kalagitnaan ng pag uusap nina Lola at ang vlogger na si Pugong byahero, inimbitahan nila ang anak ni Lola Kayang na si Zenaida. Kinamusta ng vlogger si Nanay Zenaida at nagkwento ito, “Nagpagawa nga kami ng bahay at kami’y umalis d’yan. Do’n kami nagpagawa, sa sarili naming lupa. Eh, di ano, puro utang!”

“Hanggang ngayon, hindi namin mabayaran!” Dagdag pa nito. Nabanggit din ni Zenaida na ang kanyang anak ay pa-extra extra lang at kulang pa pambili ng bigas ang kinikita. Sa sobrang hirap ng buhay, gustuhin man ng anak ni Lola Kayang na patuluyin siya bahay ay hindi magawan ng paraan dahil sa kakapusan sa buhay.

“Gaano niyo po kamahal ang nanay niyo?” Tanong ng vlogger.

“Ay, mahal na mahal ko ang Inay” sagot ni Zenaida. “Ang aking mga kapatid ay di naparito. Sabi ko sa Inay, ay mag intay intay at di ko siya papabayaan.” Dagdag pa nito. Hindi man mapuntahan ng iba pang anak si Lola, hindi naman siya pinabayaan ni Nanay Zenaida.

Ang kahirapan ng pamilyang mayroon si Lola Kayang ay hindi naman naging hadlang para maipakita sa kanyang mahal siya ng kanyang anak. Kahit na may sariling pamilyang iniintindi ang panganay niyang si Zenaida, ay sinigurado niyang hindi niya papabayaan si Lola at sinisikap niyang tuparin ang pangakong magkakasama sila at maipararamdam na may pamilyang kasangga ang matanda.