‘Happy Ever After’: Na-scåm na Couple sa Cebu, Ginanap na ang Kanilang Reception!

0
79

Kamakailan lamang ng mag-viral ang video ng isang kaawå-awång bride matapos na mapaupo at mapaiyåk na lamang dahil sa pagkabig0ng naramdaman niya nang malamang na-scåm siya ng kanilang wedding coordinator na kinilalang si Nasser Fuentes.

Ayon sa ulat, nagpaalam lamang umano ang wedding coordinator na bibili ng wine na gagamitin sana sa Reception ngunit hindi na ito bumalik at nagpakita.

Tinangay niya ang pera na nagkakahalaga ng Php 65,000 na pagmamay-ari ng mag-asawang Cherry Pie at Arniel.

Napag-alam nilang na-scåm sila nang makarating na sila sa venue ng Reception. Wala umanong naka-book doon na event noong Setyembre 22 kaya laking gulat nila na wala silang naabutang handa sa lugar na iyon. Gayunpaman, ay natulong pa rin ang kanilang Reception ngayong araw, Setyembre 25.

Makikita ang mga ngiti sa bagong kasal na sina Cherry Pie at Arniel at naging masaya pa rin sa kabila ng nangyari sa kanila dahil sa mga taong sumusuporta sa mag-asawa.

Marami naman ang malugod na bumati sa kanila dahil sa wakas ay natupad na ang pangarap nilang Reception na hindi natupad noong mismong araw ng kanilang kasal.

Narito ang kabuuang post ng CDN Digital sa kanilang facebook page:

LOOK: One of Cebu’s known wedding coordinators and suppliers Carlo Abaquita and Geof Lagria made another couple’s dream come true. The scåmmed couple Cherry and Arniel were all smiles after people stood up for them and made their reception even more meaningful. The reception was held in the lobby of Dyhp here in Cebu. Congratulations and we did it again, Cebu!”