Guro, Binigyan ng Saging ng Kanyang Estudyante Kahit na Hiråp sa Buhay!

0
96

Sabi nga nila, kadalasan, kung sino pa ang walang-wala ay sila pa ang mapagbigay sa kapwa. Pinatotoohanan naman ito ng isang batang lalaki kung saan ay binigyan niya ang kanyang guro ng saging kahit na salat sa buhay.

Ang larawang ito ay ibinahagi ng guro na si Teacher Ryan James Duenas. Aniya, kahit na wala umanong pangbili ng tsinelas ang kanyang estudyante ay mabuti ang pusô nito dahil nagbigay ito sa kanyang ng saging.

Mabilis na kumalat sa social media ang nakakaantig na ginawa ng batang si Manuel kung saan ay binigyan niya ang kanyang guro ng saging.

Ayon sa kuwento ni Teacher Ryan, nahuling dumating si Manuel at napansin niya na wala itong suot ng tsinelas. Tahimik lamang ang bata at hindi mapakali. Napagpasyahan naman ni Teacher Ryan na lapitan si Manuel.

Nagulat si Teacher Ryan nang kinuha ni Manuel ang saging sa bag nito at ibinigay sa kanya. Lumambot ang pusô ni Teacher Ryan dahil sa kabutihan ng bata.

Naging inspirasyon sa marami ang batang si Manuel. Kung iisipin ay talagang mahiråp ang kalagayan ng bata dahil kahit na tsinelas ay wala siya ngunit, naisip pa rin na magbigay sa kanyang kapwa kahit na walang-wala siya.