Hayagang sinabi ni Gretchen Barretto na ginagamit lang siya ng kanyang parter. For 27 and a half years na si Tonyboy Cojuangco.

Sa kanyang latest Instagram post, maraming netizens ang aliw na aliw sa mga video ni La Greta.

Mapapanood sa nasabing video si Gretchen habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan. Kasama din ang kanyang longtime partner na business tycoon.

Isang intimate dinner ito habang sila ay nagkakasiyahan. Sa unang video ay sinabi ni Gretchen na isa itong big revelation.

Nagsasalita kasi sa nasabing video si Tonyboy at pinupuri ang kanyang partner. Ani Tonyboy, “Sa dami dami ng babae dito pero sa totoo lang si Gretchen pa rin ang pinakamaganda”

Biniro naman ni Greta si Tonyboy at sinabing hindi niya narinig ng maayos ang huling binanggit nito. Sa kasunod namang video, si Gretchen naman ang nagsalita, at meron din siyang big revelation.

“Imagine that revelation after twenty seven and a half years, na-realized ko ginamit lang ako nitong mamang to,” sabi ni Gretchen habang tinuturo si Tony at patawa-tawa.

“He said, kaya ko lang naman sinamahan `yan kasi ang ganda-ganda niya. Eh, paano ‘pag hindi na ako maganda?” dugtong pa ni La Greta na kinukulit si Tony Boy.

“Bingi na siya! Hahahaha!” sabi ni Gretchen.

“Paano nga kung biglang hindi na ako maganda? Paano ‘yan Dada?” pangungulit na tanong ni Gretchen kay Tony.

“Can I finish?” sabi ni Tony. “Can I finish? I really need a smart answer, sabi niya. Hahahaha!

“Okey take your time. As long as it’s the answer I wanna hear…” patawa-tawang sabi ni La Greta.

Read also:

Nicole Donesa, hindi napigilan maging emosyonal dahil sa pag-alis ng asawang si Mark Herras para sa magiging lock-in taping nito sa GMA

Hindi napigilan ni Nicole Donesa ang kanyang emosyon sa pag-alis ng mister na si Mark Herras para sa lock-in taping.

Bilang padre de pamilya, kailangan ni Mark kumayod para itaguyod ang kanyang mag-ina. Kaya kahit bagong kasal pa lang nila ni Nicole ay kailangan na niyang magsakripisyo.

Isang buwan na malalayo si Mark sa kanyang mag-ina dahil sa lock-in taping niya para sa bago niyang serye sa GMA.

Na-doucment nga ni Nicole ang araw ng pag-alis ng kanyang mister at ito ay ibinahagi niya sa kanilang YouTube channel.

Nang nasa taping location na si Mark ay hindi naman napigilan ni Nicole ang maging emosyonal. Lalo na tuwing naiisip niya ang daily routine nito at lalong lalo na ang pakikipaglaro ng aktor sa kanilang anak.

“Bakit ganon? Pag nakikita ko yung mga gamit niya, naiiyak ako,” emosyonal na saad ni Nicole.

Ito kasi ang unang pagkakataon na matagal silang mawawalay sila sa isa’t-isa matapos ang mahabang panahon na pagsasama.

Gayunpaman, sinisigurado naman ni Mark na araw araw niyang nakakausap ang kanyang mag-ina. Kahit pa thru video call lamang. Ngiti naman ang laging sukli ni Baby Corky sa tuwing nakakausap niya ang kanyang daddy.

Samantala, umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang video na ito ni Nicole.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Lakasan mo ang loob mo mommy … para sa family nyo ang gagawin ni daddy … trust each other”

“Take care daddy Mark. God keep u safe at work. Si mommy Nicole nman, stay cool with baby Corky. Don’t cry pretty mommy you’ll be complete again after daddy’s work”

“Bakit ganun naiiyak din ako”

Ikinasal via civil wedding ceremony sina Mark at Nicole noong September 8, 2021 sa Quezon City Hall.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang emosyonal na video: