Grade 10 student, nakapagpatayo ng sariling business gamit ang naipong allowance

0
273

Maagang kumakayod ang teenager at 15-years old na studyante na si Antonio “Don don” Colcol III sa pagseserve ng lugaw sa mga customers, ngunit hindi bilang isang waiter kundi ang may ari ng gotohan.

Matatagpuan ang gotohan sa Calepaan, Asingan, Pangasinan at pinangalan niya itong Dondon’s Goto Ang Essential Na Goto. Ginamit sa pagpapatayo nito ay ang naipong mga allowance mula sa kanyang mga magulang.

“Naisip ko pong mag-business kasi wala din po akong ginagawa para meron naman po akong maitulong sa pamilya ko hindi lang po ako yung humihingi ng pera,” ayon kay Don Don.

PIO Asingan

Ang menu sa gotohan ay sariling timpla ni dondon na binabalik balikan ng kanyang mga parokyano. Ang best seller niya ang lugaw bone marrow.

Ang kanyang nakaktandang kapatid ang nagsisilbing guardian dahil hiwalay na ang kanyang mga magulang.

“Sila po yung inspiration ko, ayaw ko pong iparamdam sa magiging pamilya ko in the future yung naranasan ko sa family ko ngayon kaya po ako nagbubusiness ng ganito,” kwento ni Dondon sa PIO Asingan.

“Naisip ko po ang gusto ko kasing mangyari sa buhay ko at the age of 25 to 30 po stable na po ang kita ko, gusto ko po kasi in the future meron po akong oras para sa family ko, may oras po ako sa mga gusto kong gawin kaya sina-sacrifice ko po yung oras ko ngayon para po sa future ko,” dagdag ni Don Don.

Isinasabay ni dondon ang pagnenegosyo at ang kanyang pagaaral at sana daw ay mainsipire ang kagaya niyang kabataan na magpursige.

Nagtitinda Ng Iba’t ibang Pagkain Sa Daan Para Masuportahan Ang Pag-aaral

Marami sa ating mga kababayan ngayon ang labis na nααρεktυhαn ng ραndεmүα. Marami ang nαωαℓαn ng trabaho at hanapbuhay kaya naman wala na din mapagkunan ng pera ang mga magulang para maipagpatuloy pa ang pag-aaral ng kanilang mga anak, lalo na sa panahon natin ngayon na kailangan ang gadget at internet connection para sa blended learning.

Kaya naman ang ilang mga estudyante ay gumagawa at nag-iisip ng ibang paraan para sa gayon ay masuportahan pa din ang kanilang pag-aaral sa kabila ng ραndεmүα.

Katulad na lamang ng incoming grade 12 student na si Rey Pahimnayan na umisip ng paraan para maipagpatuloy pa din ang pag-aaral sa gitna ng pand3mya na ating kinakaharap ngayon.

Si Rey ay isa sa mga tinatawag na “self-supporting students.” Ibig sabihin siya ang nagpapaaral sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t ibang paraan para kumita ng pera sa marangal at legal na paraan.

Ngayon na mayroong ραndεmүc, hindi pa din tumigil si Rey sa pagsuporta sa kaniyang pag-aaral. Siya ay nagtitinda ngayon sa labas ng fast food store sa Quezon City ng iba’t ibang uri ng pagkain para may pang suporta sa kaniyang pag-aaral.

Ayon kay Rey, naisip niya na magtinda ng samu’t saring pagkain para may pambili naman siya ng pagkain sa araw-araw at makapag-ipon na din pamilya ng gadget na kaniyang kailangan sa darating na pasukan.

Siya ay nasa gilid ng kalsada at nag-aalok sa mga taong nagdadaan. Siya ay nakasuot ng face mask at face shield at hawak hawak ang mga paninda kasama na din ang karatula na may nakasulat na:

“Good day! Ma’am/Sir, I’m Rey self supporting student. Please buy my special products to support my online class and daily needs. Thank you po and God bless you.”

Marmai naman sa ating mga netizens ang humanga sa kasipagan at determinasyon ni Rey. Siya ay kabilang lamang sa maraming estudyante na nagsisikap gumawa ng paraan upang maka-ipon ng pera para sa kanilang pag-aaral.

Sana ay sa pagbabahagi ng netizen na si Bernadette Reyes ng iyong kwento sa social media ay makatanggap ka ng tulong mula sa mga butihing netizens para sa iyong pag-aaral.

Saludo kami sa iyo, Rey!

Isang Babae Ang Naging Basurera Noon,Full Scholarship Sa Bansang Australia

Maraming nag sasabi na ang edukasyon ang Susi sa kahirapan, kaya marami sa atin ang nag susumikap para makapag tapos ng pag aaral, kahit subrang hirap ng panahon ngyon. May mga pag kakataon pang hindi lahat ng bata ay nararanasan mag aral kaya nag susumikap sila tumatayo sa sariling paa para matupad ang kanilang pangarap.

Katulad nang kwento ng isang batang babae, simula bata ay naging isang basurera upang makatulong sa kanyang pamilya. Ngunit ang kanyang buhay ay biglang nagbago nang mabigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral na siyang nakatulong sa kanya upang ang kanyang pamilya ay makaahon sa kahirapan. Ito ay si Sophy Ron, siya ng kanyang pamilya ay naninirahan lamang sa tambakan ng basura at sa murang edad ay maaga itong naharap sa kahirapan ng buhay.

Maaga siyang nagbanat ng buto upang siya makapag-aral. Nagsimulang magbago ang kanyang buhay nang mayroong isang lalaki ang lumapit sa kanya at tinanong siya kung gusto ba nitong makapag-aral.Tuwang tuwa itong umuwi dahil makakapag aral na siya kahit wala siyang ideya sa sinasabi ng lalaki,kaya naman ngayon sinong mag-aakala na ang isang dating batang basurera ang makakapagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa bilang isang valedictorian at nakatanggap pa ng full scholarship mula sa University of Melbourne, Australia.

May tumulong din kay sophy na taga Cambodian Children’s Fund o CCF upang makapagtuloy siya sa pag-aaral kung kaya naman ginawa niya itong oportunidad upang makapag-tapos at maging isang valedictorian sa kanilang paaralan. Sa kanyang naging public speaking sa araw ng kanyang pagtatapos bilang isang valedictorian kitang-kita ang pagiging matalino ni Sophy lalo na sa pagsasalita ng Ingles. Sa kabila ng lahat na kanyang natanggap na mga parangal, hindi pa rin nakakalimutan ni Sophy ang kanyang pinagmulan. Kaya nais niyang makasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya bago siya lumipad patungong Australia upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang kwentong ito ni Sophy ay isang nakakamanghang pangyayari sa kanyang buhay at sana’y matagumpay niyang marating ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Ito ay patunay lamang na kailanman ay hindi hadlang ang kahirapan sa buhay upang maabot ang ating mga pangarap. Isa itong inspirasyon sa mga kabataan na huwag basta susuko sa mga hamon ng buhay basta’t para sa pangarap.