Ginang, Naluha ng muling makakuha ng signal habang nakatayo sa ibabaw ng malaking bato

0
180

Naging emosyonal ang isang babae nang makakuha siya ng signal sa cellphone at nakausap ang kanyang malayong pamilya.

Sa larawan na ibinahagi ni Ronald Ancero Casil. Makikita ang isang babae na napaiyak na lamang sa tuwa dahil nakakuha na rin siya sa wakas ng signal at nakausap na niya ang nasa kanilang linya.

Makikita sa lawaran na nakapatong pa ito sa itong malaking bato kahit na tirik na tirik ang araw. Mababanaag sa kanyang mukha na hindi mapasidlan ang tuwa na kanyang nararamdamam.

Pahirapan umano makakuha ng signal sa kanilang lugar sa Catungawan, Guindulman sa Bohol. Nakatira sila sa bukid at pahirapan sa kanilang lugar ang makakuha ng signal.

Kahit na nabilad siya sa init ay hindi ito alintana ng babae. Ang importante sa kanya ay makatawag sa kanyang pamilya.

Malayo ang kanilang lugar sa mga cell-site tower kaya kailangan pang umakyat ng buldok upang makasagap ng signal.

Naantig ang mga netizen sa naging reaksyon ng babae. Batid nila ang hirap lalo na kung malayo sa pamilya.

Panahon ngayon ay mahalaga ang may signal upang makumusta natin ang ating mga pamilya na nasa malalayong lugar o kaya’y kapag may mga emergency ay may matatawagan agad upang makahingi ng tulong.

Kaya hiling nila na sana’y malagyan ng signal ang kanilang lugar upang madali nalang nila makausap ang mga pamilya na nasa malalayong lugar.

Lolo matiyagang nagpayong sa mga apo, doon lang may signal para matapos ang module

Dahil sa ραndεmүαng patuloy pa rin nating nararanasan hanggang sa mga panahong ito ay kinailangan ng maraming mga mag-aaral na magtiis sa modular at distance learning.

Para sa maraming mga pamilyang Pilipino lalo na yung mga naninirahan sa siyudad ay talagang walang magiging kahirap-hirap ang mga ito.

Ngunit para sa mga taong naninirahan sa malalayong lugar tiyak na mahihirapan silang makasagap ng malakas na signal para sa online class at ραgrε-rεsεαrch ng kanilang mga anak o apo.

Isa na marahil ang mag-lolo na ito sa nakakaranas ng karagdagang hirap dahil sa sistemang ito ngayong ng edukasyon.

Ayon sa gurong nagbahagi ng kanilang mga larawan online na si Teacher Jorge Tejada na isang Senior High School ay madalas niyang mamataan ang mag-lolo na sina Arnulfo Teves, 71 taong gulang at apo nitong si Daniel na 12 taon gulang na nagtitiis sa isang liblib na lugar upang matapos lamang ang mga aralin ni Daniel.

Nasa ika-pitong baitang na siya ngayon ngunit dahil nga sa pandemya ay kinailangan nilang danasin ang mahirap na sitwasyong ito.

Humingi ng pahintulot ang guro sa lolo kung maaari niya silang kuhanan ng larawan. Ayon naman sa lolo ay maipabatid sana ng guro ang kanilang kalagayan sa kinauukulan.

Araw-araw kasing naglalakad ng 30 minuto ang mag-lolo marating lamang ang liblib na lugar na ito kung saan mayroong mas malakas na signal. Kahit mahirap ay pinipilit pa rin ng matandang magabayan ang kaniyang apo sa kaniyang pag-aaral.

Maliban pala sa sakripisyong ito ng matanda ay siya rin ang bumubuhay sa kaniyang anak na mayroong kαραnsαnαn at sa tatlong mga apo nito. Katuwang ang kaniyang misis ay pilit nilang pinagkakasya ang Php5,300 nilang pensyon.

Marami naman ang mga netizens na naantig sa kwentong ito ng mag-lolo at nais nilang matulungan ang mga ito upang hindi na nila kailanganin pang umalis ng kanilang bahay araw-araw makahanap lamang ng maayos na signal para sa pag-aaral ng kaniyang apo.