Ang beteranong aktor na si Mennen Torres Polintan o mas kilala bilang si Gardo Versoza ay nakilala dahil sa kanyang role sa mga pelikulang ‘Machete’, ‘Sabik sa Halik’, ‘Halimuyak ng Babae at Kirot’.

Siya ikinasal sa kanyang non-showbiz partner na si Ivy Vicencio, sila ay 13 taon munang nagsama bago niya ito inalaok ng kasal. At ang kanilang kasal ay ginanap sa Clark, Pampanga noong 2019 lamang.

Isang mahusay na aktor kung maituturing sa Philippine showbiz si Gardo. Maraming mga manonood ang nagugustuhan siya dahil sa kanyang pagiging matitikas na aktor mapa-bida man o kontrabida. Mula sa kanyang mga TV projects at mga pelikula noon hanggang ngayon walang kupas pa rin ang kanyang pagiging magaling na aktor.

Sa kanyang social media account, proud at masaya niyang ibinahagi ang ginagawa niyang paglalaba ng mga damit ng kanyang asawa. Sa kanyang naturang post na larawan, makikitang siya ang naglalaba at nagsasampay ng mga damit ng kanyang asawa.

Hindi ikinahihiya ng aktor ang kanyang pagiging hands-on na asawa sa kabila ng pagiging maskulado nito. Makikita sa post ng aktor na masaya siyang pinagsisilbihan ang kanyang asawa kahit na ito ay paglalaba lamang.

Kaya naman labis na humanga sa kanya ang mga netizens dahil sa pagiging mabuting asawa nito. Katulad na lamang ng mga komentong ito.

“Never be ashamed of doin d laundry, real men do d laundry.”

“True cupcake… c hubby ko rin he does the laundry, removes the stain pa. My Dad did too when he was still alive. Perfect role model po ang mga gaya nyo para sa mga daughters out there.”

“Actually nakakalaki ng masel yan lalo na ang pagpiga at pagkusot ng labada so isa rin yan sa mga exercise natin mga lalaki at hindi ibig sabihin na ang paglalaba ay gawain lamang ng mga babae o misis, mali yun. Isa rin yun sa magandang bonding ng mag-asawa.”

“Salute po! My husband is doing our laundry din po while I’m in charge in the kitchen. Minsan naman ako yung naglalaba at siya naman ang nagsasampay.”

Kinagigiliwan din ng karamihan ang kanyang mga videos sa Titok na kung saan ay madalas siyang sumayaw ng naka high heels kahit na siya ay tigasin at maskulado.

Read also:

Mag-asawang Robin Padilla at Mariel Padilla, nagpagawa ng apartment para sa kanilang mga kasamabahay!

Ipinamalas ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla ang kanilang kabaitan sa kanilang mga kasambahay.

Dahil sa kanilang pag-iingat, mahigpit nilang sinusunod ang quarantine protocols. Ingat na ingat sila sa mga taong nakakasama sa kanilang bahay kaya halos walang nakakalabas at nakakapasok sa kanilang mga kasama sa bahay.

Dahil malayo ang mga pamilya ng kanilang mga kasambahay. Minabuti nilang ipagawa umano ng apartment ang mga ito upang hindi na mag-alala sa kanilang mga pamilya.

Nagdesisyon ang mag-asawa na bigyan ng libreng pabahay ang kanilang mga “angels”. Kasama na ang yaya ng kanilang mga anak nitong kasagsagan ng lockdown dulot ng pandemya.

Siyempre, abot-langit ang pasasalamat ng mga ito kina Binoe at Mariel dahil bukod sa wala na silang babayarang upa sa bahay ay kasama pa nila ang kanilang mga pamilya.

Sa kanyang vlog sa YouTube, nagkuwento si Mariel kung paano naantig ang kanyang asawa. Sa sitwasyon ng mga kasambahay nila nang magpadala sila ng ayuda noong magsimula ang community quarantine sa bansa.

Dito nga naisipan ni Robin na magpagawa ng apartment sa compound ng Museo Padilla. Para doon na tumira ang kanilang mga kasambahay at ang pamilya ng mga ito.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng kanilang mga kasama sa bahay kabilang na ang isang midwife. Na naninilbihan sa kanila sa loob ng tatlo at kalahating taon dahil sa libreng pabahay na natanggap nila mula sa mag-asawa.

Umiiyak na nagpasalamat ang mga ito sa mag-asawang Robin at Mariel. At tatanawin daw talaga nila itong napakalaking utang na loob habang sila’y nabubuhay.

Sa sumunod namang vlog ni Mariel ay sinabi nitong deserve ng kanilang mga angels ang libreng pabahay.