Francine Diaz, insecure pa pala sa kanyang sarili?

Hindi maitatanggi na isa sa pinaka magandang batang artista ngayon si Francine. Kapansin pansin ang kanyang magandang mukha at mala porselanang kutis.

Pero sa kabila nito, mayroon din palang “insecurity” ang isang Cassie Mondragon.

Sa latest vlog ng Belo Medical Group na pagmamay-ari ni Dra. Vicki Belo, makikita ang video ng pagbisita ni Francine dito.

“Ito (cheeks) ang pinaka number 1 concern ko kapag meron akong taping. Ngayon nga napapnsin ko nagiging chubby na naman siya,” paglalahd ni Francine.

Nang tanungin ng doktor kung ano ang kanyang concern, sagot ng dalaga, “Since mag i-start na ulit ako mag lock-in, naiilang ako and na co-conscious ako sa face ko.”

“Feeling ko ang taba niya na malaki and kapag napapgod ako, medyo (bumababa).”

First time naman sinubukan ng teen star ang Skin Reboot ng Belo Medical Group.

Ayon sa doktora, ang Skin Reboot ay “combination of radiofrequency and microcurrent.” Nakaktulong daw ito sa skin tightening, lifting at firming.

Agad naman sumailalim sa nasabing treatment si Francine. Bilang artista, mahalaga na naalagaan niya ang kanyang kutis at kagandahan.