Agad na nagviral ang emosyonal na tagpo kung saan nakauwi na ng kanilang tahanan si Lolo Narding Floro.

Matapos ang isang linggong pagkakakuIong sa PNP Asingan station. Nakabalik na nga sa kanilang tahanan si Lolo Narding.

Matatandaan na mabilis na nagviral ang istorya ni Lolo Narding. Kung saan ayon sa mga reports ay inarest0 siya matapos idemanda ng pagnan4k4w.

Nanguha daw kasi ng sampung kilong mangga si Lolo Narding sa puno ng kanilang kapitbahay.

Ayon naman sa ilang ulat ay sinabi ni Lolo Narding na siya ang nagtanim at nag-alaga sa puno ng mangga.

Sa lupa din niya nakatanim ito noon ngunit nasakop na lamang ng kanilang kapitbahay.

Samantala, sa News Live ng TV 5 ay ibinahagi nila ang video ng kaganapan sa paguwi ni Lolo Narding sa kanilang bahay.

Doon ay ikinwento at ipinakita din niya ang punong mangga na naging dahilan ng kanyang pagkakakuIong.

“Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo…” kwento ni Lolo Narding.

Nakalaya ang matanda matapos magambagan ang mga puIis sa nasabing istasyon para sa kanyang piyansa.

Maaring hindi pa tapos ang istorya ni Lolo Narding dahil maraming netizens at vlogger ang gustong makausap siya upang mabigyan nila ito ng tulong.

Nauna na nga ang vlogger na si Shiwen Lim na naghatid ng tulong para kay lolo.

Nagpasalamat naman si Shiwen sa mga tumulong sa kaniya upang maisakatuparan ang misyong pagtulong kay Lolo Narding.