Estudyanteng pinagsasabay ang pagtatrabaho habang nag-aaral hinangaan

0
585

Maraming nagsasabi na mahirap ang maging isang working student o magtrabaho habang nag-aaral, dahil sa hirap ng buhay ay ito ang naiisip ng karamihang mga mag-aaral upang masustentuhan ang kanilang pag-aaral.

Nag-viral ang post ng netizen na matapos ibahagi ang kuhang larawan ng isang tindera ng burger na kung saang habang nag luluto ito ng burger ay siya namang pag-aasikaso nito upang matapos ang kaniyang assignment o module.

Maraming tao ang bumibili ng mga oras na iyon habang nag luluto ang dalagita ay siya namang pagpunta nito sa kaniyang mga assignment upang matapos ito, napansin ito ng netizen at tinanong kung ano ang ang kaniyang ginagawa saad naman nito “Sir sandali lang po ah tinatapos kopo kasi yung assignment ko sa school sa college”

Natuwa naman ang netizen sa sinabi ng dalagita at sinabing “Sige lang tapusin mo muna yan.” dahil dito ay nahabag ang kaniyang damdamin sa pinakitang pagsusumikap ng estudyante na makapagtapos ng pag-aaral

Dag-dag pa ng netizen “Sa mga mag-aaral na huminto na sa pag-aaral dahil sa dala ng kahirapan, tignan niyo si ate gumagawa ng paraaan upang makapag-aral. walang dahilan para tumigil sa pag-aaral kung sasamahan mo ito ng tyaga at pagsusumikap”.

Nakakabilib Ang Masipag Na Estudyanteng Ito Nang Mairaos Ang Kanyang Pag-aaral Dahil Sa Pagbebenta Ng Lumpia

Pinatunayan nang isang estudyanteng ito na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang mga pangarap. Upang makaraos sa kanyang pag-aaral, minabuti niya na magbenta ng lumpia upang may maipanggagastos sa kanyang pag-aaral ng high school.

Insipirasyon ngayon ang masipag na estudyanteng si Jason Codera na nag-aral sa Davao City National High School.

Sa murang edad pa lamang ay namulat na si Jason sa hirap ng buhay kaya kinailangan niyang maghanap buhay habang nag-aaral upang matulungan ang kanyang pamilya.

Ang kanyang ama ay isang tricycle driver at alam niya na hindi sapat ang kinikita nito upang masustentuhan ang pangangailangan ng kanilang pamilya lalo na’t anim silang magkakapatid.

Upang mapagaan ang bigat na dinadala ng kanyang ama at mabayaran ang ibang gastusin sa eskwela, ay nagdesisyon si Jason na magbenta ng mga kendi noong siya ay nasa junior high school pa lamang.

Pagtuntong niya sa senior high school ay doon at nakilala siya sa pagbebenta ng lumpia upang mas lumaki ang kita. Sa paraang ito, malaki na ang naitutulong ng kanyang kinikita sa kanilang pamilya kaya iniipon niya ito upang makapag-aral ng kolehiyo dahil nais niyang makakuha ng kursong hotel and restaurang management. Siya na rin ang nagbibigay ng baon sa isa sa kanyang mga kapatid.

Araw-araw ay nagdedeliver ang kanyang supplier ng lumpia sa kanialng paaralan upang maibenta ito ni Jason sa kanyang mga kaklase at mga guro. Sa bawat 500 piraso ng lumpia na kanyang nabenta ay kumikita siya ng Php1,000.

Bukod sa kanyang pamilya ay ipinagmamalaki rin si Jason ng kanyang mga guro dahil sa kasipagan at pagiging matulungin ng batang ito. At dahil sa lumpia ay nairaos niya ang kanyang pag-aaral sa high school at nakapagtapos ng senior high.

Napaka-responsableng bata ni Jason kahit sa kanyang murang edad kaya naman siya ay hinahangaan ng marami. Dahil sa kanyang kasipagan at determinasyon sa buhay ay hindi imposible na maaabot niya ang kanyang pangarap.

Netizens, Hinangaan Ang Isang Masipag Na Estudyanteng May Bitbit Na Paninda Sa Eskwelahan

Mayroong mga estudyante na kinailangan nilang pagsabayin ang pag-aaral at paghahanap buhay upang may maipangtustos sa kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan. Gustuhin man nila o hindi, kailangan nilang kumayod ng doble para lang kumita ng pera.

Ang nakakabilib pa sa ilang mga estudyanteng ito, ay nagagawa nilang dalhin pa sa eskwelahan ang kanilang mga paninda at ibenta ito sa kanilang mga kaklase.Isang netizen ang napahanga sa isang lalaking estudyanteng ito na nasa kanyang 3rd year na nakita niyang naglalakad sa daan galing eskwela habang bitbit ang kanyang mga paninda.

Wika ng netizen na nagshare ng larawan na si Analyn Pacao- Marco,”I saw this student of a Community College in Albay, walking after class, bitbit ang kanyang gma paninda. I can’t help but to get inspired people like him. When you see people working hard for their future, nakakahiya mag-reklamo na ang hirap ng buhay. I am still blessed that I have a Mom, a Lola, Uncle Steve and relatives who helped me finish my degree. Every new day is a blessing, to make it better than yesterday.””To those students na ang hilig mag-complaon na ang hirap mag-aral, petiks mode lang, be thankful na hindi kayo nahihirapan maghanap pampaaral sa inyo. Ang suwerte niyo, PROMISE. And to this man na nasa picture, malayo mararating mo (hindi sa paglalakad at pagtitinda). God Bless You.”

Naispire rin naman ang mga netizens sa kasipagan ng estudyante at nagbigay ng kani-kanilang mga payo sa mga estudyanteng hindi pinagbubutihan ang pag-aaral.

“Marami nga jan pinag-aaral na nagagawang unahin ang barkada at lakwatsa. Malapit na nga sa school angal pa rin na nahihirapan. Di man mag-isip mas mahirap magtrabaho para lang makapag-aral sila.”

“Poverty of lack of financial support is not an excuse not to have a good education.”