Si Cherry Pie Picache, 51-anyos at isang kilalang aktres, ay may relasyon sa kanyang Marry Me, Marry You co-star na si Edu Manzano, 66-anyos. Ito ay ayon sa ulat na inilabas ng News5 nitong Biyernes na nagsasabing si Edu mismo ang nagkumpirma sa News5 anchor na si Cheryl Cosim na nakikipag-date umano siya kay Cherry Pie.

Nauna nang pumukaw ng romance rumors ang dalawa matapos magbahagi si Cherry Pie ng mga larawan ng kanyang kamakailang bakasyon sa New York.

Hindi maiwasan ng mga netizen na mapansin ang pagiging komportable ng dalawa sa isa’t isa sa ilang mga larawan sa Instagram na nilagyan ng caption ni Cherry Pie na, “Amazing and lovely moments in the city that never sleeps,” kasama ng ilang heart emojis.

Ang kapwa Kapamilya stars na sina Arci Muñoz at Yam Concepcion naman ay tila tinuks0 sa comments section tungkol sa relasyon nina Cherry Pie at Edu.

“Salamat sa magandang oras tepie!! Kitakits sa L.A.!,” komento ni Arci at naka-tag ang pangalan ni Edu.

Nag-isip ang mga netizens tungkol kina Cherry Pie at Edu bilang mga personalidad na naisip sa isang blind item tungkol sa isang single mother na nakahanap ng pagmamahal sa set ng isang TV project.

Matatandaang nakipaghiwålay si Cherry Pie sa dati niyang partner noong 2006. Samantala, si Edu at ang kanyang non-showbiz ex-girlfriend ay nag-unfollow na sa isa’t isa sa Instagram.

Read also:

Kilalanin Ang Apo At Sinasabing Isa Sa Tagapagmana Ng Napakaraming Ari-arian Ni Willie Revillame

Kilalanin ang apo ng inyong iniidolo na si Willie Revillame, na siyang sinasabing tagapagmana ng mga ari-arian at kayamanan ni Willie.

Si Willie Revillame at ang dating karelasyon na si Becbec Soriano ay may isang anak na babae. Kilala si Becbec Soriano bilang kapatid ng actress na si Maricel Soriano.

Meryll Soriano ang pangalan ng anak ni Willie at Becbec. Bata palang si Meryll ng pasukin niya ang mundo ng showbiz, sa pagpasok niya rito unti unting lumabas at na developed ang kanyang talento sa pag-arte at ng sa tumagal, tulad ng kanyang tiyang si Maricel Soriano naging isang bihasa o professional narin ito sa pag arte.

Dahil sa may anak na ito ngayon, madalang na siyang napapanuod sa mga movies at television. Ang ama ng anak ni Meryll ay ang asawa niya noon na si Bernard Palanca. Naghiwalay si Meryll at Bernand 6 anim na buwan pagkatapos ang kanilang kasal.

Ang anak nilang si Elijah ay talagang kinagiliwan sa charming face nito nakuha niya sa kanyang mga magulang. Ang charming aura ni Elijah ang sinasabing magdadala sa kanya ng kasikatan kong sakaling pasukin niya ang mundo ng showbiz.

Bilang nagmula ito sa pamilya na may legacy na sa mundo ng showbiz, magagamit niya ito bilang advantage para sa pag-angat niya sa showbiz kung sakaling pasukin niya ito.

“Culion” isang movie na napasama sa Metro Manila Film Festival 2019 ang huling proyekto ni Meryll. Hindi na aktibo at madalang na nakikita si Meryll sa kadahilanang naka fucos ito sa kanyang anak na si Elijah. Makikita rin sa social media niya na madalas ang kanyang pag post ng mga litrato kasama ang kanyang anak.

Napag-uusapan sa ngayon ang charming na si Elijah bilang apo ni Willie Revillame, siya ang sinasabing tagapagmana ng kayamanan nito.

Read also:

Batikang aktor na si Albert Martinez, ipinakita ang mga nakolektang mamahaling sasakyan na aabot ng ngayon 21 piraso

Certified car collector pala ang aktor na si Albert Martinez.

Sa loob ng higit apat na dekada, ipinamalas ni Albert Martinez ang kaniyang husay sa pag-arte.

Mapa-drama, action, o daring roles man.

Sa dami ng kaniyang naging proyekto, tila mayroon nang beautiful collection of first-rate leading ladies si Albert

Nito lamang nakaraan sa programa ng Kapuso network na “Tunay na Buhay”, ay ibinida ni Albert Martinez ang kanyang mga naggagandahang classic car collections.

Kuwento ni Albert, bata pa lamang siya ay hiniling na niyang magkaroon ng mga classic na kotse,

Lalo na ang Mercedes-Benz SL. Ngayon, ipinapagamit niya rin ang mga ito sa kaniyang only son na si Alfonso.

Ayon nga kay Albert lahat ng mga koleksyon niya ng sasakyan ay katas ng naging pagsusumikap niya bilang isang aktor sa industriya ng showbiz. At sa kasalukuyan umano, ay mayroon na siyang dalawampu’t isang car collection.

Taong 1995 ng simula umano ni Albert ang pangongolekta ng sasakyan, gamit ang perang kinikita niya sa pag-aartista.

Hanggang sa hindi na nga niya namalayan na napakarami na pala ng kanyang mga koleksyon.

At dahil nga sa napakarami na ng kanyang klasikong sasakyan, ay ang iba nga umano nito ay ipinarada niya sa garahe ng kanyang kaibigan sa Bulacan, kung saan ay kapareho rin niya ito ng kinahihiligan.

Sa kabila ng pagiging klasiko ng kanyang mga koleksyong sasakyan, ay ibinahagi ni Albert na nasa good condition lahat ito.

Sinisigurado umano niyang well maintained ang lahat ng kanyang mga sasakyan.

Maliban sa pangongolekta ng mga kotse, hilig din ni Albert ang off-roading, na nagsisilbing bonding na rin ng kaniyang pamilya.

Panoorin dito ang kanyang panayam: