Ipinasilip ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo ang naging procedure ng liposuction ng aktres na si Janella Salvador.

Viral nga ngayon sa TikTok ang video na ibinahagi ni Dra. Belo kung saan makikita ang ginawa nilang balik alind0g ni Janella.

Matatandaan na inamin noon ng Kapamilya actress na sumailalim siya sa liposuction upang mabalik umano ang kanyang self confidence.

Matapos kasi siyang manganak sa baby nila ni Markus Paterson na si Baby Jude ay malaki ang nadagdag sa kanyang timbang.

Nag-gain siya ng extra 40 lbs dulot ng pagod, puyat at overeating. Aniya pa nga best decision ever daw ang ginawa niyang pagpapa-lipo.

Apat na buwan naman ang nakalipas, ibinahagi naman ni Dra. Belo ang video ng kanilang session. Viral ng agad sa TikTok ang nasabing video.

Umabot na kasi ang naturang video ng 5 million views sa loob lamang ng 4 na oras pagkatapos ito i-post.

Mapapanood sa video na sinabi ng doktora na pumunta daw si Janella sa kanya anim na buwan pagkatapos ng panganganak upang maging “ready” daw ito sa pagta-trabaho.

Ginawa naman ng mga doktor ang tinatawag na 360 liposuction sa katawan ni Janella sa bandang arms, wings, back, at abdomen upang tanggalin ang mga “fats” sa partikular na bahagi ng katawan.

Ibinahagi rin nito na tatlong buwan pagkatapos ng lipo ay ginawa na nila ang tinatawag na “skin genius” sa balat ni Janella upang lumiit daw ang mga loose skin.

Panoorin dito ang nasabing video: