Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang dating Taxi Driver na kinilalang si Regie Cabuotan na taga Baguio City na nabigyan ng scholarship ng kanyang dating naging pasaherong australiyano at siya ngayon ay isa ng ganap na web app developer.

Matatandaan noong taong 2017ay naging laman ng social media si Reggie dahil sa katapatan at kabutihang ipinakita nito sa kanyang naging pasahero na nakaiwan ng mahahalagang kagamitan na naglalaman ng laptop, cellphone at iba pang mahahalagang gamit.

Dahil sa kanyang kabaitan ay sinuklian ito ng Australiyano na isa palang businessman at bilang gantimpala ay binigyan si Reggie ng full scholarship sa Australia upang makapag-aral at maging isang ganap na app developer.

Binigyan ng Australian businessman na opurtunidad na pumasok bilang intern sa isang Australian company si Reggie na mayroong sahod na umaabot sa halagang 1.7 milyong piso kada taon.

Kasalukuyan ay nagdedevelop si Reggie ng isang transport app, na “Taxi Coder Tour Guide”, kung saan ay magagamit ito ng mga turista na pumupunta sa Baguio.

Ayon pa kay Regie maihahalintulad ang kanyang app sa sikat na Grab kung saan ay mapapagaan ng mga turistang pumapasyal sa Baguio.

Ayon kay Regie,”It is an app similar to the system used by Grab but is specially designed for tourist who come to Baguio,”

Si Regie ay isa sa mga kauna unahang batch na magtatapos ng nasabing kurso kung saan ay kanilang matatapos ito sa loob ng anim na buwan lamang.

Dahil sa ipinakitang katapatan ni Reggie ay sinuklian naman ito ng kabutihan ng kanyang naging pasaherong Australiyano.

Tunay nga na kung ano ang iyong itinanim ay iyon rin ang iyong aanihin,Sana’y maging halimbawa si Regie na gawin ang tama at wag masilao sa bagay na hindi natin pagmamay-ari.