Natatandaan mo paba ang kwento ng isang gurong palaboy?
Kung babalikan maraming mga tao ang naantig ang damdamin sa kwento ng palaboy ng Cebu na si Roberto Planado Jr. O mas kilala sa kanilang lugar na si “Berta”.
Maalalang sumikat si Berta sa social media habang nagsasalita ng Ingles sa kanyang kausap bago ito madiskubre sa KMJS.
Mahigpit 17 taong nanirahan si Berta sa iba’t ibang lugar sa Cebu. At ang tanging pantawid gutom lamang nito ay manghingi sa mga tao o panlilimos sa mga residente. Maraming tao ang hinihingian ng pera o pagkain ni Berta sa araw-araw. Marami din ang humanga sa kanya dahil sa galing itong makipag usap ng purong Ingles.
Si Berta ay dating guro at nang dahil sa pagkasawi sa pagmamahal ay nawala siya sa tamang pag-iisip. Kumakailan, isang vlogger ang nakadiskubre kay Berta sa lansangan at tinuturing niyang Kuya si Berta.
At dahil itinuring na kuya, humingi ng tulong si Anton sa isang treatment facility upang mabigyan ng aksyon ang sitwasyon ni Berta.
Matapos ang isang buwan na paninirahan sa Safe Haven treatment recovery village, labis ng nag iba ang itsura at kilos ni Berta. Yung dating gusgusin at dumihin ay ngayon isa ng malinis at maaliwas ang kanyang itsura.
Maayos narin ang pakikipag usap nito sa ibag tao, at kung noon ay siya ang nanghihingi o binibigyan ng pagkain ng mga taong nakakasalubong niya sa daan. Kamakailan ay naging bahagi si Berta sa pamimigay ng mga pagkain, at iba pang pangangailangan ng mga street dwellers.
Kasama ni Berta sa pamamahagi ng libreng pagkain ang grupong Battle Against Ignorance Foundation inc. at ang Safe Haven kung saan siya kasalukuyang naninirahan.
Panuorin ang nakakainspire na video:
Read also: