Cute Na Aso Napagℓaruan Ang Pustisσ Ng Kanyang Amσ, Imbes Na Magaℓit Ay Natawa Pa Ritσ

0
443
𝙰𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚊𝚢𝚘𝚙 𝚝𝚞𝚕𝚊𝚍 𝚗𝚐 𝚊𝚜𝚘 𝚝𝚞𝚗𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚗’𝚜 𝚋𝚎𝚜𝚝𝚏𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚋𝚞𝚔𝚘𝚍 𝚗𝚊 𝚜𝚒𝚕𝚊 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚜𝚊𝚖𝚊 𝚘 𝚋𝚊𝚗𝚝𝚊𝚢 𝚜𝚊 𝚋𝚊𝚑𝚊𝚢, 𝚜𝚒𝚕𝚊 𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚙𝚊𝚐𝚙𝚊𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚘𝚍 𝚕𝚊𝚕𝚘 𝚗𝚊 𝚙𝚊 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚒𝚝𝚘 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚖𝚋𝚒𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚖𝚘.
𝙽𝚐𝚞𝚗𝚒𝚝 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚋𝚒𝚕𝚊 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚖𝚋𝚒𝚗𝚐, 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚢𝚛𝚘𝚘𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚙𝚊𝚔𝚊𝚔𝚞𝚕𝚒𝚝. 𝙺𝚊𝚝𝚞𝚕𝚊𝚍 𝚗𝚊 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚌𝚞𝚝𝚎 𝚗𝚊 𝚂𝚑𝚒𝚑 𝚃𝚣𝚞 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚙𝚊𝚐𝚕𝚊𝚛𝚞𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚞𝚜𝚝𝚒𝚜𝚘 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚖𝚘.
Ang netizen na si Eunice ang nagmamay-ari ng cute na asong ito na may halong Shih Tzu, Poodle, at Chihuahua breed. Bukod sa pagiging malambing ang kanyang alaga ay makulit at mahilig itong maglaro.
Isang araw noong pumasok na si Eunice sa trabaho ay naiwan ang alagang aso na si Maggie sa bahay kasama ang tatay ni Eunice.
Noong hapon ay naisipan ng tatay na umidlip muna sa sala at saka tinanggal ang kanyang pustiso, binalot sa isang tissue saka inilapag sa dulo ng sofa.
Ngunit nakalimutan niya siguro na andoon din ang kanilang makulit na aso. Kaya imbes na nailagay niya sa mas mataas na lugar ay sa mababang lugar lamang niya ito naiwan.
Kaya naman pagkagising ng tatay ay laking gulat niya na nawawala na ang kanyang pustiso kung saan niya ito inilapag. At unang naisip niya ang kanilang aso na si Maggie na baka naitangay niya ito.
Pinaghahanap ng tatay ang aso at natagpuan ito na nagtatago sa ilalim ng mesa. Ngunit nang makita niya ang mukha nito ay imbes na magalit ay natawa pa siya dahil nasuot sakto sa bibig ng aso ang nawawalang pustiso.
Kaya naman bago niya tanggalin ito ay kinuhaan niya muna ito ng letrato. At nang umuwi si Eunice ay ipinakita sa kanya ang picture ng kanilang makulit na asong si Maggie at tawang tawa sila sa nangyari.
Hindi naman nasira ang pustiso at hindi naman nasaktan ang aso ngunit sigurado naman na hindi na ito muling isusuot ng tatay at magpapagawa na lamang ng panibago.