Cellphone na nag kakahalagang ₱39,000.00 isinauli ng isang mangingisda sa may-ari

0
408

Viral ang isang mangingisda dahil sa nαkαρυℓσt ito ng cellphone na palutang-lutang na 9 na araw sa karagatan

Hindi inaasahan ng isang mangingisda sa lugar ng Sulop sa Davao Del Sur, na makakapulot ito ng mamahaling cellphone.

Buong akala ng mangingisdang si Ian Karl Bravo na ordinaryong araw lang ang pang-huhuli niya ng talangka sa dalampasigan ng bigla siyang na dulas at laking gulat niya ng makita niya ang isang cellphone na nakabalot pa ito sa waterproof cover.

Agad naman niya itong pinulot upang iuwe sa kanilang tahanan upang tignan ito, ng makauwe ito agad niya itong tinignan kung ito ay sira ng buksan niya ang cellphone gumagana ito ngunit lowbat ang cellphone, ng malaman niyang lowbat ito dinala niya nalang ang cellphone sa sanglaan.

Ng makarating na si ian sa sanglaan agad niya tinanong ang presyo ng cellphone upang ibenta ito at pag katapos sabihin ang presyo nito laking gulat ni ian na nag kakahalaga ito ng 39,000, agad naisip ni ian na ito na ang sagot upang makabili siya ng pansariling bangka para hindi na umarkila ng bangka sa iba, dahil sa hirap ng buhay hindi sapat ang kinikita niya para sa kaniyang pamilya kung mag babayad pa siya sa bangka na kaniyang hiniram upang makalaot sa karagatan at manghuli ng mga isda.

Sinabi ni ian na hirap talaga sila sa buhay dahil mahirap kumita ng pera sa kanilang lugar ngunit minabuti niya na wag na ibenta ang cellphone dahil hindi naman sakaniya ito, at ng umuwe si ian agad naman nag hanap ng pwedeng pag kakitaan upang ma-bilan ng charger ang cellphone, nakahanap naman ng pag kakitaan si ian yun nga ay mamasada ng tricyle at ng makaipon ito agad bumili ng charger ito upang mabuhay phone at macontact ang may ari pero pag ka bukas niya may password ito.

Dahil nga may passwordd ang cellphone pinindot niya ang emergency call upang tignan ang mga contact neto hindi naman siya nabigo at nakita niya ang pangalan ng may-ari na si Keith Calija na isang pilipino na isang army nakatira na sa singapore, ng kontakin nya ito ay hindi nag reply sa kaniyang binigay na minsahe dahil hindi nya macontact si Keith mas minabuti ni ian na kontakin ang ibang nasa emergency call hindi naman nabigo si ian dahil na contact niya ang kamag-anak ni Keith na si Gladys Martin na pinsan nito upang dun ibigay ang cellphone.

Ng maibigay ni ian sa pinsan ni Keith agad pina-alam ni gladys kay keith na ibalik na ang kaniyang nαωαωαℓαng cellphone at ng makita ni keith ang kaniyang nαωαωαℓαng cellphone laking saya neto at agad nag pasalamat kay ian, dahil sa ginawa ni ian nag viral ito

11-Anyos na Lalaki Mula sa Ifugao, Hinangaan ng Marami Matapos na Magsauli ng Nakitang Pouch na May Lamang Higit P100,000

Marami ang humanga sa katapatan ng isang 11-anyos na lalaki mula Asipulo, Ifugao matapos na magsauli ng nakitang pouch na naglalaman ng pera na humigit isang daang libong piso.

Kinilala ang tapat na bata na si Denard Uy-uyon. Ayon sa kuwento ng bata, nakita umano niya ang pouch sa jeep na kanyang sinasakyan at agad naman niya itong ipinaalam sa kanyang ina.

Ayon sa ina ni Denard na si Nanay Daisy, may nakita umano siyang resibo ng bangko na nagpapatunay na kakawithdraw lamang ng pera at may nakita din siya doon na ID ng may-ari.

“Tiningnan ko kung may ID sa pouch, nakita ko yung receipt mula sa Landbank kasi kawi-withdraw pala sa araw na yun at doon ko nakita yung number ni Ate Myrna,” sabi ni Daisy.Napag-alaman na ang may-ari pala ng pouch ay ang kanilang kabarangay na si Myrna Nalliw.

Naibalik din sa kaniya agad ang pouch.”Masaya po ako na naibalik yung pera na buo. Doon sa bata ay sana ay marami pang katulad niya na honest,” sabi ni Myrna.

Hindi umano namalayan ni Myrna na nahulog ang kanyang pouch hanggang sa tinawagan na siya ni Nanay Daisy. Isang assistant administrative officer ng isang renewable energy corporation sa Ifugao si Myrna.

Sinabi nito na kawi-withdraw lamang niya ng perang iyon na pondo ng pinagtra-trabahuhan niyang korporasyon.

Ang pangunahing trabaho ng mga magulang ni Denard ay ang pagsasaka. Bagamat kailangan nila ng pera ay hindi sumagi sa isip nila na angkinin ang perang napulot bagkus ay ginawa nila ang tama.

Sabi ni Denard, ibinalik niya ang pouch dahil gusto niyang maging tapat, na laging paalala ng kaniyang mga magulang.

Dahil sa katapatan niya, nakatanggap ang bata ng P10,000 pabuya mula kay Agnes Piggangay, na mula naman sa bayan ng Kiangan.