Bunso ni Bangs Garcia na gustong gusto ng mga netizen, 11 months na!

0
467

Ang pangalang Bangs Garcia ay talaga namang kilalang- kilala sa pandinig ng mga all time viewers sa television dahil si Valerie Garcia o kilala bilang Bangs Garcia ay isa sa mga magagaling na aktres sa showbiz.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Ang Kapamilya star ay kilala rin dahil sa kanyang taglay at natural na ganda at ka- s3xyhan na talaga namang nakakapag- [email protected] sa mga puso ng madla. Matatandaang nagsimulang tawagin si Valerie sa stage name na Bangs Garcia matapos nitong gumanap bilang Bangs sa isang TV sitcom noong 2006.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Hindi kalaunan ay ibinalita ni Bangs Garcia ang magandang balita na ikakasal na umano ito sa kanyang gwapong Filipino- British businessman na si Lloyd Birchmore na nakilala niya noong 2015 nang mag celebrate ito ng New Year sa Boracay.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Nang matagpuan ni Bangs ang kanyang “the one” ay naman nagtagal at nagdesisyon ang mga itong magpa- kasal noong 2016. Napabalitang tatlong beses nagpakasal ang mga ito— civil wedding sa London noong Setyembre, church wedding sa Boracay noong Enero ng taong 2017 at beach wedding kinabukasan.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Simula nang magpakasal ito ay iniwan na rin ni Bangs ang kanyang buhay sa showbiz at nag- focus na ito sa kanyang buhay may pamilya lalo na at isang taon pagkatapos ng kanyang wedding ay nagkaroon na ito ng panganay na anak.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Noong Disyembre 2017 ay ipinanganak na ni Bangs ang kanyang first baby girl na si Baby Amelia na nasundan kaagad makalipas ang tatlong taon dahil noong ika- 21 ng hulyo sa taong 2020 ay isinilang ni Bangs ang kanilang second baby girl ni Lloyd at pinangalanan nila ito bilang Baby Isabella.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Mabilis nga naman talaga ang panahon at ngayon ay pang 11 months na ni Baby Isabella kaya naman nagpost si Bangs ng mga letrato niya kasama ang anak sa kanyang Instagram account. “Happy 11 months to my little munchies booboo!” ito ang caption ni Bangs sa kanyang ipinost na pictures.

Ang mag- ina ay parehong naka- suot ng kulang pulang damit at nagpakita ng magagandang ngiti sa letrato. Cute na cute namang nakatingin si Baby Isabella sa camera na para bang sanay na sanay ito kung magpa- picture.

Mapapansin naman sa mga dating post ni Bangs sa kanyang Instagram account ang mga moments nilang pamilya at mga cute na cute na pictures ng kanyang dalawang magagandang anak na babae. Makikita rin kung gaano ka- close ang dalawang magkapatid dahil laging nakadikit ang mga ito sa isa’t isa.

View this post on Instagram

A post shared by Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia)

Hindi naman nakakapag- sis! na iniwan ni Bangs ang showbiz para sa ganitong experience nito sa buhay dahil napakasaya nito sa kanyang pamilya lalo na biniyayaan ito ng dalawang nag- gagandahang mga anak.