Balut Vendor na 29 years old , inireklamo ng 69 years old niyang ka-relasyon sa pag-ubos ng laman ng ATM

0
361

Nagsimula ng pag-iibigan ng isang balut vendor at isang retired navy officer sa Love at first sight subalit nauwi lamang ito sa sa masalimuot na pagtatapos ng kanilang relasyon. Ang ending, humantong ito sa paghingi ng tulong ng retired navy sa programang Raffy Tulfo in action.

Ang retired navy officer ay si Alberto Frio na 69 years old ay nagtungo ay humingi ng tulong kay Raffy Tulfo laban sa balut vendor na si Ronelyn Solis, 29 years old at kanyang naging ka relasyon ng apat na taon.

Sinusuportahan niya financially si Ronelyn sa loob ng apat na taon ng kanilang relasyon subalit kahit maganda ang pagtrato niya sakanya, nahuli niya ito tatlong beses na may ibang karelasyong lalaki.

Sa kabila ng ginawa ng balut vendor, pinatawad niya ito at sila ay nagkakabalikan, ngunit nangaliwa parin si Ronelyn at ngayon ay buntis na sa ibang lalaki.

Bagama’t ganun ang ginawa ng babae, pinangako ni Alberto na mapapatawad niya ito basta bumalik lamang siya sakanya ngunit tumanggi si Ronelyn.

Sabi pa ni Alberto, pag hindi ito bumalik sakanya ay mapipilitan itong bawiin lahat ng binigay niya sa kanya.

Nang marinig ni idol Raffy ang kaniyang sumbong, sinabi niyang maraming matandang lalaki na ang lumapit sa kanyang programa upang bawiin ang perang ibinigay nila sa mga mas batang ka-relasyon na nagloko sakanila.

Ngunit sa kanilang kaso, nagsasama sila sa iisang bubong kaya naman entitled ang babae sa kalahati ng property at perang naibigay ni Alberto.

Siniwalat ni Alberto na kamakailan lang ay ibinalik ni Ronelyn ang kanyang ATM subalit inubos na nito ang laman.

Paliwanag naman ni idol Raffy na kung ibinigay niya ang ATM at ang PIN ng card ay hindi na mababawi ito mula sa bangko dahil legal naman ang pag withdraw ng pera.

Dagdag pa ni Raffy Tulfo na ibinigay na ang ATM at PIN nito sa isang tao na walang ginagawang kasulatan at kung magkano ang pwede niyang kunin, para naring sinabi na pwede niyang kunin ang lahat ng laman nito.

Sa panig naman ni Ronelyn, isa siyang balut vendor at nag susumikap mag trabahgo para kumita ng pera ng magkakilala sila ni Alberto.

Ginamit daw nito ang perang napanalunan sa casino para makapag patayo ng bahay. Ang perang capital na ginamit sa paglalaro sa casino ay inamin naman niyang galing kay Albert.

Paliwanag naman si idol Raffy na hindi niya pwedeng tulungan si Alberto dahil alam naman daw niya nag ang palalaro ng sugal sa casino ay pagtatapon ng pera.

Dagdag pa ni Alberto, umaabot sa 4 million pesos ang naibigay niya kay Ronelyn. Pahayag ni Ronelyn na P30,000 lang daw ang kaya niyang bayaran ng installment. Wala na daw siyang pera at trabaho at 6 buwan na rin siyang buntis.

Ayon kay Alberto gusto niya na maibalik ang pera kahit 1 Million lang, subalit payo naman ni idol Raffy na pwede niyang dalhin ito sa korte dahil wala rin pera si Ronelyn na pambayad sa kanya.