Viral ngayon ang isang ina matapos manganak nitong nagdaang New Year’s Eve. Ayon sa ulat, labing limang minuto lamang ang agwat ng magkambal ngunit magkaiba ng araw Dahil ang isa ay ipinanganak 11:45 ng gabi nitong Disyembre 31, 2021 habang ang kanyang kambal ay ipinanganak ng araw mismo ng Bagong Taon, January 1, 2022.

Ang kambal ay sina Alfredo Antonio Trujillo at si Aylin Yolanda Trujillo. Isa sa isang milyong pagkakataon lamang umano nangyari ang ganito na ipinanganak sa magkaibang taon.

“It’s crazy to me that they are twins and have different birthdays,” ani ng ina ng kambal na si Fatima Madrigal na hindi pa rin makapaniwala sa pangyayaring ito sa kanyang kambal.

“One of the most memorable deliveries of my career.” Ani ng doktor na nagpaanak kay Fatima. “It was an absolute pleasure to help these little ones arrive here safely in 2021 and 2022.”

Marami din sa mga netizens ang hindi makapaniwala at sobrang namangha dahil isang beses pa lamang umanong nangyayari ito.