Babae, Sinαbing Nαkita Niya Ang Imahє Ni Hєsus Sa Isang Uri Ng Crαb

0
437
𝙰𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚒𝚙𝚊𝚗 𝚊𝚢 𝚜𝚊𝚍𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚙𝚊𝚐𝚕𝚊𝚛𝚘. 𝙺𝚞𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚘-𝚊𝚗𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚒𝚒𝚜𝚒𝚙 𝚘 𝚍𝚒 𝚔𝚊𝚢𝚊 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚔𝚊𝚜 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚖𝚊𝚑𝚒𝚗𝚊𝚜𝚢𝚘𝚗. 𝙼𝚒𝚗𝚜𝚊𝚗 𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚍𝚒𝚍𝚒𝚔𝚝𝚊 𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚒𝚙𝚊𝚗 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚒𝚔𝚒𝚝𝚊.
𝙼𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚔𝚠𝚎𝚗𝚝𝚘 𝚝𝚞𝚗𝚐𝚔𝚘𝚕 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚕𝚒𝚝𝚊𝚠 𝚗𝚐 𝚒𝚖𝚊𝚑𝚎 𝚗𝚒 𝙷𝚎𝚜𝚞𝚜 𝚜𝚊 𝚒𝚋𝚊’𝚝 𝚒𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚋𝚊𝚐𝚊𝚢. 𝙼𝚊𝚊𝚊𝚛𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚋𝚊’𝚝 𝚒𝚋𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚒𝚗𝚒𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚗𝚐𝚞𝚗𝚒𝚝 𝚖𝚊𝚢𝚛𝚘𝚘𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚐𝚜𝚊𝚜𝚊𝚋𝚒 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘 𝚊𝚢 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚎𝚗𝚢𝚊𝚕𝚎𝚜 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚒𝚋𝚊 𝚊𝚢 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚒𝚝𝚘𝚗𝚐 𝚎𝚜𝚙𝚎𝚜𝚢𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚒𝚋𝚒𝚐 𝚜𝚊𝚋𝚒𝚑𝚒𝚗.
Katulad na lamang ng isang babae na taga Florida na sinasabing may natuklasan siyang isang spiritual discovery matapos makita ang imahe ni Hesus sa likod ng isang horseshoe crab.
Ang sinasabing imahe ay natagpuan sa shell ng isang crab na ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan matapos itong matuklasan sa Canaveral National Seashore sa New Smyrna Beach.
Ayon kay Cathy Rader na isang photographer, kamakailan ay nagresign siya sa kanyang trabaho at sinimulan niyang gumawa ng isang picture book tungkol sa kanilang bayan.
“I was doing devotionals that I do in the morning. God spoke to me and said ‘if you will wait, I will give you perfection.”
 
Matapos noon ay bigla na lamang niyang napansin ang isang kakaibang imahe sa marine animal na ito na talagang kanyang ikinamangha.
Noong una ay hindi pa siya makapaniwala kaya nagsearch siya sa internet ng mga imahe ng mga horseshoe crab. At napagtanto niya na ang kanyang natagpuan ay talaga ngang kakaiba.
Dahil sa paglitaw ng imahe ni Hesus sa crab, kaya nila ito tinawag na ‘Jesus crab.’
Ngayon ay idinisplay ang shell sa isang local library sa kanilang bayan na kung saan protektado ng salamin at security.
Saad niya, “Not everyone is going to see Christ and that is totally fine. It is something for me. We need a sign because the news around the world is so bad.”
 
Mayroon o wala man itong mensahe dahil iba iba ang ating paniniwala, hangad pa rin ni Rader na sana ay mapabuti ang pananaw ng mga tao sa ating mundo.