Babae, nagwala matapos tanggihan ng KFC dahil ayaw mag-face mask

0
413

Upang mαιωαsαn ang ραgℓαgαnαρ ng sαкιt sα gιtnα ng кrιsιs na nararanasan natin sa kasalukuyan, sari-saring health protocols ang ipinatutupad ngayon sa ibat-ibang bahagi ng bansa at ng buong mundo.

Ilan lamang dito ito ay ang pagsusuot ng face mask at face shield.

Subalit sadyang may ilang taong pasaway na ang hirap pakiusapan at ayaw sumunod sa mga simpleng alituntunin para sa kapakanan ng lahat. Tulad na lang ng babaeng customer na ito sa isang sikat na fast food chain.

Sa video, mapapanuod ang hindi kilalang babae sa harap ng cashier ng KFC habang nagsasalita at tinuturo ang kanyang order nang walang suot na face mask. Dahil dito, umalis palayo sa kanya ang uma-attend na crew kung kaya naman makikitang bigla na lang syang tumalon para pumatong sa counter.

Nagsisisigaw ang nasabing customer habang galit na galit nyang kinakausap ang staff na tumalikod sa kanya.

“Give me something to f*cking eat! Im hungry!” aniya kasabay ng ilan pang masasakit na salita hanggang sa ρυntσng nαnαnαkσt na ito na sαsαкtαn nya ang empleyado.

Paliwanag ng ibang crew sa babaeng nαgωαωαℓα, hindi nila sya maaaring pagserbisyuhan dahil sa kawalan nya ng face mask.

Gayunpaman, pinili ng pasaway na customer na makipagmatigasan sa mga crew at patuloy na pinagpilitan ang kanyang gusto na makabili ng pagkain doon kahit tumatanggi syang sumunod sa simpleng patakaran.

Pero hindi nagpatinag sa babae ang mga nagtratrabaho doon at nanindigang kailangan nya munang sumunod o kung hindi, hindi sya maaaring mag-demand ng serbisyo mula sa KFC.

Nang вυмalιĸ ang lalaĸιng crew na lυмayo ѕa ĸanya noong υna, ѕιnaвι nιтo na мaѕιѕιѕanтe ѕya ĸυng ѕaĸalιng ι-aѕѕιѕт nya ang вaвae ѕa ĸaвιla ng pagѕυway nιтo.

Bunsod ng pangyayari, nagpasya ang babae na umalis na lang. Pero bago pa man sya makalabas ay pinagbantaan nya pa ito at sinabing aabangan nya ito sa labas pagkatapos ng kanyang trabaho.

Hindi naman nakapagkomento ang KFC sa nangyari.Panuorin ang video:

Isang Hindi Kilalang Babae, Pinakain Ang Mag-amang Gutom Na Gutom Na Sa Jollibee

Talaga nga namang nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa atin ang ating mga kababayan na pinipili pa din na maging mabuti at magbigay ng tulong para sa mga kapwang nangangailangan sa kabila ng mga pagsubok at problema na kinakaharap natin ngayon.

Katulad na lamang ng kabutihang ginawa ng babae na ito matapos ilibre ng makakain ang mag-amang pulubi na gutom na gutom.

Ayon sa post ng netizen na si Alexiefe Sulit Cataquiz, nakita umano ng babae ang mag-ama na namamalimos sa labas ng Jollibee kaya naman walang pag aalinlangan niyang pinapasok ang dalawa sa naturang fast food restaurant at ilibre sila ng makakain.

 

Dagdag pa ni Alexiefe, marami umano ang umiwas sa mag-ama dahil sa kanilang hitsura ngunit ang babae ay hindi nagdalawang isip na tulungan sila.

Ang mag-ama ay gutom na gutom na din daw dahil malayo pa ang kanilang pinanggalingan. Naglalakad lamang sila dahil wala silang sapat na pera para mamasahe pa.

Bukod sa pagkain na ibinigay ng babae sa mag-ama, binigyan niya din ang mga ito ng kaunting pera upang sila ay mabilis ng makarating sa kung saan man sila pupunta.

Lubos naman ang pasasalamat ng matandang lalaki para sa babae dahil sa kabutihan at pagmamalasakit na ipinakita nito sa kanila kahit pa man ganoon ang kanilang hitsura.

Narito ang kabuuang post:

“Guys.. pasikatin natin itong babae..

“Sya po yung tumulong sa mag-ama na nagugutom, may nakita syang namamalimos sa labas ng Jollibee, yung iba umiiwas, yung iba naman pinagtatabuyan sila dahil sa itsura nila, gutom na gutom daw po itong mag-ama dahil malayo pa ang pinanggalingan nila naglakad lang sila dahil walang pamasahe, pero itong si ate naawa kaya pinapasok nya sa Jollibee, inorderan ng pagkain, inasikaso at binigyan pa ng konting pera pamasahe, labis ang pasasalamat ni tatay kay ate dahil sa pagmamalasakit at kabutihang ginawa sa kanila.. Kung sino man po itong ginang na ito, saludo kami sa’yo! nawa’y pagpalain ka ng Poong may Kapal.. thumbs up”

 

Samantala, marami naman sa mga netizens ang humanga sa ginawa ng hindi pa nakikilalang babae na hindi man lang nagdalawang isip na tulungan ang mag-ama.