Ayos lang malugi, basta makatulong Lola

0
565

Sa panahon ngayon  dapat tayo mag tulongan dahil sa pandemya lalo’t ang iba natin kababayan ay nahihirapan ganyan ang  ginawa ni lola imbes na kumita mas pili pa malugi at makatulong sa kapwa na ngangailanga.

Alam naman natin na sa panahon ngayon ay ang limang piso ay hindi na makakabili ng importanteng bagay tulad ng pagkain at tila kendi na lamang ang mabibili sa halagang ito.

Ngunit sa Meycauayan, Bulacan, pinatunayan ng isang lola na maaari ka ng mabusog sa halagang limang piso sa pagbili ng kanyang masarap na paninda.

Umani ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizen ang kabutihang loob ni ginang Mel na nagtitinda ng abot kayang presyong pagkain sa mga estudyante sa Bulacan.

Ayon kay Nanay Mel, napag-alaman niyang maraming estudyanteng hindi sapat ang baon na pera para makabili ng sapat na pagkain sa kanilang pag-aaral, kung kaya naman upang makatulong ay naisip ni Nanay Mel na magtayo ng maliit na tindahan at magbenta ng abot kayang presyo na pagkain malapit sa paaralan.

“Ang isang mahirap, magtatanong ka paano ka makakatulong sa kapwa mo? Hindi porket mahirap ka, hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan.” ayon kay ginang Mel

Napag-alaman na mahigit isang dekada na palang ginagawa ni Nanay Mel ang pagbebenta sa Bulacan ng P5 meal.

Dahil sa sobrang murang pagkain ay patok na patok ito sa mga estudyante, ganun na rin sa mga malapit na empleydo tama lang ang sinasahod na sa halagang limang pisong budget ay may kanin at ulam ka na.

Ibinahagi din ni ginang Mel ang kanyang sariling recipe na ‘chowfan rice’ na gawa sa fried rice at mayroon sangkap na hotdog na sa halagang limang piso ay makakaraos kana sa tanghalian.

Mga halimbawa ng ulam na ititinda ni Nanay Mel ay tulad ng tinolang manok,bopis,kare-kare,menudo at iba pa.

Nakakataba ng puso ang hangarin ni ginang Mel para makatulong sa mga estudyante dahil malinaw na ang pagtitinda niya ay hindi para kumita siya ng pera kundi para matulungan ang mga mahihirap ng estudyante na kaunti lamang ang baon sa eskwela.

Ayon kay ginang Mel, hindi importante kung nalulugi siya sa kanyang pagtitinda ng murang ulam dahil ang importante umano sa kanya ay nakakatulong siya sa mga katulad niyang mahihirap ang buhay.

“Hindi porket mahirap ka, hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan.” ayon kay ginang Mel

Nakaka-bilib ang ginagawang pagtulong ni ginang Mel sa mga estudyanteng kapos ang baon kahit na mahirap lang din siya. Sana ay madami pa ang maging katulad ni ginang Mel na handang tumulong sa mga nangangailangan.

Ginang, ibinahagi kung paano nakaipon ng P160,500 matapos gawin negosyo ang pagtitinda ng ice candy

Tindera, naka-ipon ng P160,500 matapos gawing negosyo ang pagtitinda ng ice candy.

Naging inspirasyon para sa marami ang post ng isang ginang sa kaniyang social media na kung saan kumita siya ng limpak-limpak na pera sa pamamagitan lamang ng paggagawa at pag titinda ng ice candy.

Siya ay nakilala bilang si Riz Red Moreno. Hindi lamang doble o triple ang balik sa kaniya ng kaniyang puhunan kung hindi libo- libo ang bumalik sa kaniyang sipag at pagta-tyaga.

Ayon sa kaniya, araw- araw siyang gumagawa ng ice candy habang siya ay nagbabantay ng kanilang tindahan.

Ito ay may flavor na manga at buko na nagagawa niya ng dalawang kaserola na kayang gumawa ng 165 pieces na ice candy namaibebenta ng limang piso kada isa.

Kung tubo naman ang pag uusapan, mayroon siyang 800 pesos katumbas ng dalawang kaserolang kaniyang nagawa Ang pamamaraan ng kaniyang pag- iipon ay itatabi niya ang 500 piso sa kaniyang alikansya at 300 naman ay para sa pambayad ng kuryente.

Hindi niya namalayan na malaki na pala ang kaniyang naipon.

Maski siya ay namangha sa labis-labis na pera na ito.

Ibinahagi niya sa kaniyang social media ang tagumpay na kaniyang nakamit at hinikayat ang iba na magsimula na rin.

“Mga ka peso ito napo ang ipon ko sa luob ng isang taon katas ng ice candy, mga ka peso habang nagbabantay ako ng aming tindahan gumagawa ako ng ice candy araw araw maliban nalang kung masama ang pakiramdam ko o kaya eh may bagyo hindi ako maka gawa, ang ginagawa ko sa luob ng isang araw dalawang kaserola isang mangga at isang buko, bawat kaserola ang nagagawa ko eh 165 pcs tapos ang benta ko 5 pesos isa kaya ang lumalabas na 825 pesos, sa isang gawaan ko tumutubo ako ng 400 pesos eh dalawang gawaan yun kaya lumalabas ang tubo ko eh 800 pesos, kaya yung 500 hinuhulog ko sa lata at yung 300 nman tinatabi ko ang bayad sa koryente, tuwang tuwa ako kase sa pag tyaga ko naka ipon ako ng 160,500 peso, kaya sa ga nanay kahit nasa bahay lang kayo kaya nyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pag datin sa pera, maraming salamat po at sana maging inspirasyon itong ipon challenge ko nato, thank you po at happy new year sa inyung lahat.”