Anak nina Jessa at Dingdong Avanzado, Masayang Natapos ang Grade 11 Bilang 1st Honor Student sa Kanilang Paaralan

0
310

Si Richelle Ann Mallari Loyola-Avanzado o mas kilala bilang Jessa Zaragoza ay ipinanganak noong Enero 31, 1979. Siya ay isang modelo, mang-aawit at artista.

Siya ay kinilala bilang “Phenomenal Diva” at “Jukebox Queen of ’90s”. Ang kanyang asawa ay si Fernando Cyril “Dingdong” Veloso Avanzado na ipinanganak naman noong Hulyo 7, 1968. Isa siyang mang-aawit, aktor, politician at TV Host.

Ikinasal sina Jessa at Dingdong Avanzado noong Marso 18, 2018 at may isang anak na nagngangalang Jayda.

Si Jayda Avanzado ay 18-anyos pa lamang ngunit isa na siyang song writer, music producer, singer, model at social media influencer. Ang kanyang talaento ay nakuha sa kanyang ina at ama na magagaling din sa pagkanta.

Sa edad na 9 na taong gulang ay nag-perform na siya sa show ng kanyang ama na “Tatlong Beinte Singko”.

Edad 12 naman nang matuto siyang sumulat ng kanta. Dahil sanay sa showbiz si Jayda mula pagkabata, ay hindi na lamang niyang pinapansin ang ilang mga nangba-båsh sa kanya sa social media.

Marso 2019 nang ilabas ang kanyang kanta na pinamagatang “Happy For You”. Hanggang sa may mga sumunod pa siya isinulat na may pamagat na Paano Kung Naging Tayo at Mag-isang Umiiibig.

Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kanyang instagram post ang kanyang achievement sa kanilang paaral.
Natapos niya ang Grade 11 bilang isang 1st honor student. Hindi naman maipagkakaila ang kanyang angking kagandahan at katalinuhan. Bukod pa rito ay talentado rin siya kaya naman total package na si Jayda.

Billy Crawford, nagbahagi ng pasasalamat sa mga sakripisyo ng asawang si Coleen Garcia dahil sa pagiging hands-on mommy nito

Proud na proud at sobra ang pasasalamat ni Billy Crawford para sa kaniyang misis na si Coleen Garcia.

Sa kaniyang Instagram post kamakaialan, ibinahagi ni Billy ang larawan ng kaniyang mag-ina.

Makikita sa nasabing larawan na nakatulog na si Coleen while breastfeeding their Baby Amari.

Kaya naman isang appreciation post ang ibinahagi ni Billy, aniya sa caption, “Y’all don’t know how much this woman gives! I want Amari to see this when he grows up and realize how much mommy sacrificed for him. We both thank you mommy for being a wonderful mom and the best wife to a pasaway husband!”

Aniya, nais niyang malaman ng anak nilang si Amari ang laki ng sakripisyo ng kaniyang mommy Coleen kapag lumaki na ito.

Samantala, kitang kita sa litrato ang kagandahan ni Coleen kahit nakatulog na ito sa pagod.
Umani naman agad ng samu’t-saring reaksyon ang post na ito ni Billy mula sa mga kaibigan nila sa industriya at mga netizens.

“kaya kelangan natin bumawi everyday, forever,” komento ni Chito Miranda.

“Awww so Precious, Billy !! All Breastfeeding Moms like me can relate!! ( well 16 and 11 years ago pa ang ganyang moments ko of course! Ahhahaha) bravo, @coleen !!” saad naman ni Christine Babao.

I have the same kind of photo of Cheska. Our wives are strong!” say naman ni Guji Lorenzana.

Maraming netizens din ang naka-relate sa post ni Billy at mas lalo din umano nilang na-appreciate ang kanilang mga asawa at ina.

Tunay naman talaga na ang mga asawa at ina ang siyang pinakamalaki ang sakripisyo para sa kanilang pamilya.

Sang-ayon ka ba dito?