Isang biyaya na sa atin ang maging malusog at walang karamdaman. Maswertena ang isang pamilya kung makakain ng tatlong beses sa isang araw. Kaya naman ang ang ating mga ama at ina ay dapat pasalamatan sa mga ginagawa nila at pagsusumikap nila upang makaraos sa pang araw-araw.

Viral naman ngayon ang isang video ng isang dakilang ama na nagsusumikap na naghahanap-buhay sa kabila ng kanyang kapansånan.

Ang ama na ito ay kinilalang si Tatay Noel Perez. Siya ay patulad na kumakayod sa buhay bilang isang fishball vendor sa kabila ng kawaln niya ng kamay. Wala man siya kakayahang hawakan ang mga bagay na madali lang nating nahahawakan ay kayang-kaya naman niyang dumiskarte at magtrabaho.

Hindi din kayang tiisin ni Tatay Noel na magkulang sa kanyang pamilya kaya naman nagsusumikap siya sa pagtitinda ng fishball. Tinatawag si Tatay Noel bilang “Mang Weng” ng kanyang mga suki. Nag-viral sa social media ang kalagayan ni Tatay Noel kaya naman marami ang lubos na humahanga sa kanya.

Naputulan ng kamay si Tatay Noel taong 1983 nang makuryënte siya sa dating pinapasukang constraction site. Malungkot man ang nangyari kay Tatay Noel ay hindi niya hinayaan na maputol din ang kanyang pag-asa.

Nagbunga ang kanyang pagsusumikap at napagtapos niya ang kanyang dalawang anak. Kasalukuyan pa rin siyang nagtitinda ng fishball para matustusan ang pagpapagam0t ng kanyang misis. Mahiråp man ay hindi kailangang sumuko ni Tatay Noel bagkus ay dapat mas nagiging matatag siya para sa kanyang pamilya.

Read also:

“Masasayang lang lahat”- Lolo na Naglalako ng Pichi-Pichi, Naghinagpis Matapos Mabasa ng Ulan ang Paninda Niya

Sa panahon ngayon, bibihira ka na lang makakita ng taong handang tumulong sa iba. Kaya naman talagang kahanga-hanga ang mga good Samaritan na hindi nagdadalawang-isip para makatulong sa mga nangangailangan. Isa na sa kanila ay ang concerned citizen na ito na kamakailan lang ay nagbahagi ng kanyang nakakahabag na kwento sa social media.

Ayon kay Jessiebelle Balmes, naglalakad na siya pauwi ng makasalubong niya ang isang matandang lalaki. May dala raw itong malaking bayong na punong-puno ng mga paninda na pichi-pichi. Ngunit dahil sa masungit na panahon, halos nabasa na ang lahat ng paninda ni tatay, na kinilala bilang Tatay Victor.

“Kanina habang pauwi ako naka salubong ko si tatay Victor Halos parehas kaming inabutan ng malakas na ulan tapos ang lakas pa ng hangin natumba pa paninda nya hanggang sa nagkanda basa basa lahat.”

Ayon sa 54-anyos na tindero, umaga pa lamang ay naglalakad na siya upang mailako ang paninda niya. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ito naubos.

Mas lalo naman siyang nalungkot ng tuluyang mabasa ng ulan ang kanyang mga paninda, dahil uuwi na naman daw siya sa kanilang bahay na kakarampot ang kita.

Bukod pa dito, ibinahagi rin ni Tatay Victor na nahihirapan na siyang makakita sa kanyang isang mata. Kaya naman isang malaking hamon sa kanya ang makauwi sa kanila, lalo pa’t gabi na. Tinulungan naman siya ni Balmes na maghanap ng masisilungan panandalian.

“Habang inaayos namin mga paninda niya naluluha si tatay kasi hindi pa raw niya nababawi puhunan niya tapos masasayang lang lahat. Hindi na rin makakita isang mata ni tatay kaya mahihirapan na raw umuwi. Ang layo pa ng uuwian ni Tatay, Banga 2nd to Sipat tapos hindi niya pa maaninag ang daan dahil nga sa lakas na rin ng ulan at hangin.”

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-offer ng tulong upang kahit papano ay maibsan ang paghihirap ni Tatay Victor.

Maraming netizen rin ang tumawag sa atensyon ng beteranong host na si Raffy Tulfo sa pag-asang makakaabot ito ng tulong sa tindero.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Read also:

Nakaka-awang sitwasyon ng isang lolong natutulog sa hagdan, mag-isang nagtitinda ng panggatong na kahoy para mabuhay.

Kumakalat ngayon sa social media ang kuha ng isang netizen na nakapansin sa isang matandang lalaki na naka upo sa hagdanan ng isang saradong tindahan kung saan ay natutulog ito sa tabi ng kalsada, sa gitna ng init ng araw na walang face mask at face shield sa Tagumpay, Montalban.

Ayon sa netizen at uploader na si MS. Ericka Salvador, palagi daw nyang nadadaanan ang matandang lalaki kahit na tirik ang araw ay nandun lamang sya, kaya nakaramdam daw si Ericka ng awa para sa matanda

Hanggang sa isang araw ay naisipan nyang gisingin at tanungin na din ang matanda kung bakit palagi nya itong nakikitang natutulog sa mismong pwesto sa tuwing mapapadaan sya.

Ani ng matanda, sya raw ay walang trabaho, dito na rin daw sya halos nakatira at ang tangi lamang nyang pinagkukunan ng pagkain sa pang araw araw ay pagtitinda ng kaunti nyang mga kahoy na panggatong.

May katandaan na talaga si tatay, ito ay nasa walumpu’t tatlong (83) taong gulang na, at hindi pala sya taga Montalban kundi taga Quezon City sya.

Nangako si ateng netizen na babalikan nya si tatay upang abutan ng kaunting tulong kahit pang meryenda lamang. *

At pagdating ng hapon ay bumalik nga si Ericka kasama ang kanyang fiance, upang abutan ng makakain ang matanda. Laking gulat pa ni tatay dahil bumalik nga ang netizen na ito upang tuparin ang kanyang sinabi.

Kwento pa ng netizen, kitang kita umano ang saya kay tatay dahil sa magandang ngiti ang bungad nito sa kanila. Masaya si Ericka sa ginawa nyang pagtulong sa matanda na kahit sa maliit na paraan lamang ay napasaya nya ito.

Nais ni Ericka na manawagan sa mga netizen na kung makikita nila si tatay ay sana maabutan ng kaunting tulong man lang ito. Nais din umano magpasalamat ni tatay sa mga taong tumutulong sa kanya palagi, isang sundalo daw ito.

Narito ang buong post ni Ericka tungkol sa matanda na kanyang ibinahagi sa facebook page ng Taga Montalban kami Buy and Sell na may hashtag na ‘Sana ay marami pa po ang tumulong kay tatay’:

“Napadaan ako ng tagumpay

Last time nakita ko sya natutulog sa tabi ng kalsada at walang FACESHIELD at FACEMASK

At sobrang init pa, naisipan ko syang gisingin

At pa-miryendahin at syempre para matanong ko sya bakit dun sya natutulog kahit sobrang init, sabe nya sakin

Dito na daw sya halos nakatira, jan sa hagdan na yan kung

San sya nghahanap buhay ,at ang hanap buhay ni tatay ay ngtitinda po sya ng kahoy pang-gatong yun lang Daw ang hanap buhay nya,at si tatay ay hindi pla talaga taga dito ,sya po ay taga QC. At sya ay may edad na 83 years old , pero nghahanap buhay pa rin sana po may mga mabubuting puso na may patuloy na tumutulong kay tatay, at salamat din po sa tumutulong sa knya na SUNDALO daw po,godbless SIR

At sabe ko sa kanya babalikan ko sya para bigyan ko

Ng faceshield at facemask,nung hapon bumalik kami

Ng aking mapapangasawa at nagulat sa akin si tatay

Kasi binalikan ko daw sya ,ang ganda pa ng ngiti nya

At tingin ko kahit konti ,napangiti ko si tatay sa maliit na tulong ko sa kanya ang sarap lang sa pakiramdam na kahit maliit na tulong nakapagpangiti ako na tulad ni tatay na

Mag-isa at nahihirapan sa ganon sitwasyon.