Aktor at Dating Goin’ Bulilit Cast na si Nash Aguas, Tatakbong Konsehal sa Cavite!

0
187

May mga larawan kasi ni Nash na kumakalat ngayon sa social media.

Ayon sa mga naunang ulat, si Aguas ay tatakbong konsehal ng Cavite City para sa darating na eleksyon sa 2022 sa ilalim ng nasabing partido.

Kasama umano si Nash sa lineup ni Cavite City Vice Mayor Denver Chua na siyang tatakbo bilang mayor ng lungsod.Ilang larawan din ng aktor ang nakitang kasama niya ang nasabing line up ng partido.

Saad pa nga sa post ng Dugong Caviteno, “Oooppss relax mga tol kame lang to. Ang mag seserbisyo sa inyo Ng TOTOO”

Ikinagulat naman ng mga netizen online ang kaniyang naging desisyon at nagbigay ng kani-kanilang opinyon ukol rito.

Narito ang ilan sa kanialng komento:

“may alam ba sa public administration yan? o gagaya din sya na gagamitin ang kasikatan para sa pulitika? nakow, cavite city, isip isip muna ha”
“Anung alam nyan sa pamamalakad sa pagiging konsehal pag nanalo sya? Kung mananalo haha”
“cavite, lugar na pede manalo ang artista sa politika”
“Bhe nabasa mo na ba yung 1987 Philippine Constitution? Kabisado mo na ba ang Preamble? Kaloka kang bata ka HAHAHAHA”
“Bumalik ka nalang sa Going Bulilit wag kana magpatawa”
“Wala nang career sa showbiz. Pulitika na lang eh..easy money pa and chances of becoming billionaire”

Samantala, kasalukuyang wala pang komento si Nash ukol dito.Matatandaan na unang nakilala si Nash ng sumali siya noon sa kiddie edition ng “Star Circle Quest.”
Taong 2004 ito naganap at siya ang itinanghal na kampeon. Hanggang sa naging parte siya ng kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Read also:

Isang Anak Ng Empanada Vendor at Welder, Naging 10th Place Sa Nursing Board Exam

Isang napakasayang pakiramdam para sa mga magulang ang makita ang kanilang mga anak na magtatapos sa kolehiyo ngunit mas masaya mismo kung sila ay makakapasa rin sa board exam at idekalrang isang full-fledged professional.

Ano kaya sa tingin niyo kung ang inyong mga anak ay hindi lamang nakapasa sa board exam, bagkus nakapasok pa sa top 10?

Ganito ang nangyari sa isang anak ng Empanada vendor at welder na kamakailan lamang ay nakapasa sa Nursing Board Exam at naging 10th placer pa sa rank.

Ang nasabing board passer at 10th placer ay nakilalang si Shannara Mica Guta Tamayao, isang nursing graduate na galing Laoag City, Ilocos Norte.

Maraming Filipino ang na-inspire sa batang babaeng ito, dahil pinatunayan niya na ang kahirapan ay hindi hadlang para makamit mo ang mga pangarap mo sa iyong buhay.

Nararapat din na masungkit ni Shannara ang 10th placer dahil simula elementary hanggang high school lagi itong honor student.

Matapos ang kanyang pagsisikap at sa tulong at suporta ng kanyang mga magulang, nagtapos iya ng isang nursing degree sa Mariano State University sa Batac, Ilocos Norte.

Halos lahat ng kanilang paghihirap ay nabayaran matapos niyang maipasa ang national board exam at nasungkit ang pagiging top notcher na may score na 84.60%.

Bilang isang panganay sa magkakapatid, inaasahang siya ay makakatulong sa kanyang pamilya na maiahon sila sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga magulat at mga kapatid.

Layon niyang ipasa ang National Council Licensure Examination (NCLEX) at pagkatapos ay kumuha ng Master’s Degree bago mag-apply para sa trabaho.

Ang kanyang inspiring story ay tumatak sa puso at atensyon ng iba’t ibang mga netizens at pagiging isang inspirasyon, pampatibay-loob sa ilang mga Pilipino partikular na sa mga kabataan. Dahil ito sa kanyang totoong determinasyon at sakripisyo kaya niya ito nakamit.

Sa pagkakaroon ng buong suporta, pagmamahal at commitment ng mga taong nakapaligid sa iyo kasabay ng iyong kasipagan at pananalig sa Diyos, siguradong makakamit mo ang iyong mga pangarap at maging matagumpay para sa iyong pamilya at sa iyong sarili.