“Ang mga savings naghihingalo na”- Robin Padilla, Aminadong Nagalaw na ang Savings ng mga Anak Dahil sa Pαndεmιc

0
113

Libo-libong Pilipino ang apektado dahil sa pαndεmιc. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mahirap man o mayaman, may kanya-kanya tayong pinagdadaanan dahil sa mga pagsubok na ito.

Kahit pa sagana ka sa buhay, mararanasan mo ring masadlak dahil sa epekto ng l0ckd0wn at pαndεmιc. Isa na sa mga nakaranas ng hirap na ito ay ang celebrity couple na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Kamakailan lang, inamin ng 51-anyos na action star na may matindi silang pinagdadaanan ng kanyang pamilya. Kahit pa sagana sila, nasubok ang kanilang katatagan dahil sa pαndεmιc. Sa Instagram, ibinahagi ni Robin na maging ang savings para sa kanilang mga anak ay nagalaw na nila.

“Hindi lamang po kayo ang hirap, pati po kami sa aming tirahan ay masikip na masikip na ang sinturon sa pagtitipid. Ang mga savings ay naghihingalo na kaya’t pati ang nakalaan para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na, pero patuloy pa rin naming itinatawid ang mga taong nasa pakpak namin,” pagbabahagi ng beteranong aktor.

Bukod sa pandemya, mas lalo pang sinubok ang tibay ng mag-asawa matapos mawalan ng trabaho si Mariel. May 2020 nang ipasara ang ABS-CBN na naging home network ni Mariel sa loob ng ilang taon.

Dahil dito, kinailangan nilang magtipid at magbawas ng expenses para rin patuloy na mapasahod ang mga taong umaasa sa kanila.

Sa kabila ng lahat, mas piniling magiging matatag ni Robin at Mariel para malampasan nila ang mga pagsubok na ito. Sa katunayan, nag-open rin si Mariel ng business upang makatulong sa kanilang pangtustos.

Hinimok rin ni Robin ang kanyang mga kapwa Pilipino na wag sumuko sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap dahil malalampasan rin nila ito.

“Walang may masarap na buhay ngayon kundi yung mga nalathala na mas yumaman noong nagka pandemya pero tayong mas nakakaraming mga Pilipino ay tagilid na ang bangka. At ang iba ay taob na at naka salbabida na lang para hindi tuluyang lumubog. Wag tayong susuko mga kababayan, magtulungan tayo,” dagdag pa ni Robin.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz, Natanggap na ang Bagong Kotse Mula sa Kia Motors

Matapos masungkit ang gintong medalya ni Hidilyn Diaz sa larangan ng weighlifting nitong Hulyo 26 ay marami ang nag-aabang na cash reward para sa kanya. Sa katunayan ay humigit P50 million ang kanyang matatanggap na cash reward.

Nagkampyon si Hidilyn sa ginanap na Olympics sa Tokyo, Japan. Ito ay itinuturing na isang makasaysayang pangyayari dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naiuwi ng Pilipinas ang gintong medalya.

Sa kabilang banda naman ay natanggap na ni Hidilyn ang kanyang reward mula sa Kia Motors. Ito ay ang pangalawang kotse na ipinangako sa kampyo matapos na mangako ang Foton na makakatanggap siya ng isang van.

Makikita sa larawan na bagay na bagay kay Hidilyn ang mala-gintong kulay ng Kia Stonic na sasakyan. Narito naman ang kabuuang post ng Ayala Foundation, Inc.:

“For her record-making and record-breaking achievement at the 2020 Tokyo Olympics, Hidilyn Diaz, the first ever Filipino to win a gold medal at the quadrennial summer games, is recognized as ‘Atletang Magiting’ by Ayala Foundation.

The Ayala group’s support for Philippine weightlifters including Diaz dates back to 2016, when BPI turned over training equipment for the Hidilyn Diaz Weightlifting Gym in Zamboanga. In 2018, Ayala Land, Inc. turned over a check donation to the members of the Samahang Weightlifters ng Pilipinas.

As “Atletang Magiting,” Diaz will receive a top of the line Kia Stonic as a gift of gratitude from AC Motors and Kia Philippines.

Mabuhay, Hidilyn! Thank you for lifting us all up!

-Ayala Corporation.”