86-Anyos na Lolo, Nakuhanan ng Litrato sa Kanyang Hospital Bed na Nakaluhod Habang Taimtim na Nagdadasal!

0
980

Sa panahon ngayon ay tila nakakalimutan na ng marami sa atin ang tumawag sa Panginoon.

Siguro ay maaalala lamang na tumawag sa kanya sa panahong hindi na alam ang gagawin at lubha nang mabigat ang pasanin na dinadala.

Ngunit, sa katunayan, ang pagdarasal ay hindi lamang sa paghingi ng tulong sa Itaas bagkus ay dapat na magpasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob niya at humingi ng tawad sa mga nαgαωαng kαsαℓαnαn.

Naging isang inspirasyon naman ang isang Lolo na nakuhanan ng larawan at makikitang nakaluhod sa kanyang hospital bed habang taimtim na nagdarasal.Ayon sa uploader na si Nenita Dalde, nakuha ang larawang ito nang gabi bago ilipat si Lolo sa ICU.

Ngunit, isang linggo lamang ang nakakalipas ay bιnαωιαn na rin siya ng buhay. Ayon kay Nenita, parati umanong sinasabi sa kanila ni Lolo na gawin umano nila ang lahat ng bagay ng may karapatan at kaayusan.

Dagdag pa ni Nenita, kahit pa man hirap ng makatayo si Lolo ay nakaluhod pa rin umano itong manalangin. Kinilala ang Lolo na si “Ka Dalds” nanaging inspirasyon sa marami.

Marahil ay nasa mapayapang lugar na ngayon si Ka Dalds dahil sa kabutihan nito at malalim na pananalig niya sa Itaas.

Nararamdaman na niya siguro na kukuhanin na siya ng Panginoon kaya kahit pa hιråρ ay pinilit niyang lumuhod sa kanyang hinihigaan para magdasal.Ang pagdarasal ay hindi sapilitang pinapagawa dahil ito ay desisyon ng tao.

Marami sa atin ang nagsisimba ngunit hindi ginagawa ang mga salita ng Diyos at patuloy pa rin sa paggawa ng hindi maganda sa kanilang kapwa.

Nawa ang bawat isa sa atin ay maging katulad ni Ka Dalds na kahit pa nαhιhιråραn na ay hindi pa rin siya nakakalimot na tumawag sa Panginoon.

Napagkamalang Pulubi sa Isang Pawnshop, Hindi Inakalang Isa Palang Ama na Nagpadala ng Pera Para Sa Kanyang Anak

Tunay ngang kahit anong hirap ang dinaranas ng isang tao, hindi pa rin nawawala ang pag-asang may magandang bukas ang laging naghihintay sa bawat araw na magdaan.

Hinangaan At Kinaantigan Ang Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Basahan Upang May Maipambili Ng Kanyang Gamot

Dulot ng kahirapan maraming mga Pilipino ang nagtitiyagang maghanapbuhay para lang kumita ng pera. Hindi na nagiging basehan ang edad sa paghahanapbuhay upang mabuhay lamang sa araw-araw. Upang matustusan ang mga pangangailangan kahit ang makikipagsapalaran sa kalye ay walang pag-alinlangang gagawin.

Katulad na lamang ng isang matandang lalaki na sa kabila ng kaniyang kalagayan ay pinipilit niyang maghanapbuhay upang makabili lang ng kaniyang gamot para sa araw-araw. Ibinahagi sa social media ang kwento ng matandang lalaking ito na namataan na naglalako ng mga basahan sa kalye kahit na tirik na tirik ang araw. Ayon sa nagbahagi ng kwento ng matanda, kapansin-pansin na hirap na ito sa paglalakad at napag-alaman pang siya ay may sakit. Ngunit hindi daw ito alintana sa matanda, dahil kinakailangan umano niyang makabenta upang may pambili siya ng kaniyang gamot na kaniyang iniinom araw-araw.

Ang matandang lalaking ito ay makikitang nagbebenta sa Pasig, siya ay naglalako sa bandang palengke at ang kaniyang basahan ay ibinebenta niya sa halagang 20Php. Sa kabila ng kaniyang kalagayan, pinipilit niya pa rin ang maghanapbuhay upang matustusan lang ang kaniyang kalusugan. Kahit na lubhang napaka-delikado para sa kaniya ang nasa labas hindi na iyon mahalaga sa kaniya ang importante ay mayroon siyang maiuwing pera at matugunan ang kaniyang mga pangangailangan lalo’t higit na ang kaniyang gamot.

Kaya ipinanawagan sa publiko ang mga taong may mabubuting puso na matulungan ang matandang lalaking ito na maubos ang kaniyang mga paninda upang siya ay makauwi na sa kanilang tahanan at makapagpahinga.

Source: Raffy Tulfo In Action

Sa awa ng Diyos ay natulungan din si Lolo ni Idol Raffy Tulfo, Binigyan siya ng negosyo at apartment. Tunay ngang hindi tulog ang Poong Maykapal at gumagamit ng mga instrumento upang makalasap ng ginhawa ang mga kaawa-awang tao. Sana ay dumami pa ang mga taong matulungin sa mundo.