Isang 69- anyos na Ina ang pilit na kumakayod para sa kanilang dalawa ng kanyang anak na may sakit sa baga.

Ayon kay Nanay Julieta, nakikituloy lang sila ng kanyang anak na si Regan na 34-anyos sa isang pampasadang jeep dahil wala na silang matutuluyan.

Labis pa ang hirap ni Nanay Julieta dahil may sakit pa ang kanyang anak na si Regan na Tuberculosis at kailangan itong dalhin sa ospital.

Hindi na daw alam ni Nanay Julieta ang gagawin kung muling papasada na ang jeep na kanilang tinutuluyan.

Ang tanging pinagkakakitaan lang ni Nanay Julieta ay ang pangangalakal kahit delikado sa matanda ang lumabas dahil may [email protected]

Lubos namang nagpapasalamat si Regan sa kanyang Ina dahil kahit hirap na ito ay hindi parin sya nito pinapabayaan at ang hiling nya ay mapa-ospital sya para magamot ang kanyang sakit.

Ito ang kabuuang post,

69-ANYOS NA NANAY, NAKIKITIRA SA JEEPNEY HABANG INAALAGAAN ANG ANAK NA MAY SAKIT!

Dahil walang matutuluyan, nakikitira ang 69-anyos na si Nanay Julieta at ang anak niyang si Regan sa isang jeepney! Labis ang hirap na dinaranas ng mag-ina lalo pa’t may Tuberculosis na iniinda si Regan. Kung sakaling papasada muli ang jeepney, hindi na raw alam ng mag-ina kung saan sila pupunta. Ang buong kuwento, panoorin sa video!

Read also:

Bata na 9 na taong gulang lamang, mag-isang nag-aalaga sa ama niyang may malubhang karamdaman!

Marami ang naantig sa kwento ng bata na ito na 9 na taong gulang lamang ang edad. Sino nga ba naman ang mag-aakala na sa murang edad ng musmos na bata ay kakailanganin na niyang buhatin sa kaniyang balikat ang responsibilidad ng pag-aalaga ng kaniyang ama.

Ang kwento ng bata na ito ay ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Quintin Abregana. Nagbahagi ito ng larawan ng bata na humingi sa kaniya ng tulong para sa kaniya mismong ama.

Ayon pa sa ilang mga ulat, ang bata na nasa larawan ay si Cherry Rose Cabaquil na mag-isang nag-aalaga sa kaniyang ama na mayroon pa lang malubhang sakit sa balat. Isang taon nang inaalagaan ni Cherry Rose ang kaniyang ama dahil sa hindi na ito makabangon dahil sa kaniyang sakit at nakaratay na lamang.

Aminado ang bata na mahirap talaga ang kanilang kalagayan ngayon ngunit sa kabila nito ay talaga namang makikita mo ang tatag ng kalooban at pagiging matapang ng batang ito sa pagharap sa hamon ng buhay sa napakamurang edad.

Kinailangan niyang manghingi ng tulong sa mga taong mayroong mabubuting puso para sa agarang gamutan na kailangan ng kaniyang ama.

Ang viral post ay umani na sa kasalukuyan ng 18,000 na mga reaksyon, 10,000 na mga komento at 43,000 na pagbabahagi. Dahil dito ay marami ang naantig at nagnais na makapag-abot ng tulong sa batang ito at sa kaniyang ama.

Mayroong mga nagpaabot ng pera o pinansyal na pangangailangan nila habang ang ilan naman ay nagpadala ng mga pagkain na magiging malaking tulong para sa pang-araw-araw ng mag-ama.

Laking pasasalamat nila na marami pa ring mabubuting loob ang nagnanais tumulong sa kanilang kapwa hanggang sa ngayon.

Dalangin din ng mag-ama na sana ay mapagamot na ang ama upang malunasan na ang karamdaman ng ama na naging dahilan ng pagkakaratay nito.

Read also:

Isang dayuhan, tinulungan ang mag-iinang nasa kalsada

Viral ang post na ito tungkol sa mag-iina na tinulungan ng isang dayuhan.

Mula sa page ng The Hungy Syrian Wanderer, nag-abot ito ng tulong sa mag-iina gaya ng pag-aayos sa itsura ng mag-iina, binilhan ng mga groceries at nagbigay ng pera.

Umabot ng 200+k reacts sa Facebook ang post nito. Ang layunin ng dayuhan na ito ay tumulong sa mga nangangailangan. Siya ay talaga namang may pusong pinoy.

Sikat ito sa pag tulong sa mga tao lalo na sa mga pinoy. Mayroon ito 3 million subscribers sa youtube.

Makikita sa mga larawan na bukal sa loob niyang tumulong at masaya siya sa kanyang ginagawa.

Ganoon din naman ang pakiramdam ng mag-iina, sobra ang kaligayahan nila ng tulungan sila ng dayuhan na ito.

Marami pa rin sa atin na may mabuting kalooban, minsan pa kung sino ang hindi mo kaano-ano, hindi kadugo o hindi mo kababayan, sila pa ang tutulong sa iyo.

Basahin ang orihinal na post ng The Hungry Syrian Wanderer sa kanilang Facebook Page:

“Sometimes those who have little.. have the most to give. Back on the street mga tao, rewarding the best kind of people – hardworking kababayans.

When you become detached mentally from yourself and concentrate ping other people with their difficulties, you will be able to cope with your own more effectively.

Will continue sharing real life stories to inspire and change people’s lives one at a time.

Reviving bayanihan. I just want to use thison hel platform to help those who are in need and to send awareness. If I can do it, you can too. Spread Kindness and Positivity.”