Nakakabilib at kahanga-hanga ang di matawarang kasipagan at pagpupursigi ang ipinapakita ng isang matandang lalaki na kahit sa kanyang katandaang edad ay pinipili parin magtrabaho para lang may kaunting kita.

Viral sa social media ang naging post ni Kewol Oro, isang netizen na nakakita kay Lolo o mas kilala bilang si Tatay “Bro”, 68-years old na dating empleyado sa isang sikat na gasoline station.

Ayon kay Oro, boluntaryong pumapasok pa din si Lolo sa gasolinahan ng Shell na taga pag-assist ng mga nagpapahingin ng mga gulong para kahit papano ay may kaunting kita siya galing sa mga nag-aabot ng tip sa kanya.

“Pag nagpahangin po kayo ng gulong sa Shell TS Cruz (Alabang-Zapote Rd, Almanza) at si tatay “Bro” Boy, 68y/o ang nag assist sa inyo, bigyan nyo po sya ng tip kahit papano,” salaysay ni Oro sa kanyang Facebook post.

Larawan kuha mula sa post ni Kewol Oro

Halos limang dekada niyang iginugol ang sarili sa pagtatrabaho sa nasabing gasolinahan at kakaresign lang nito noong nakaraang dalawang taon.

Marami din sa mga netizen ang naantig at naawa kay Lolo, na sa halip ay dapat nagpapahinga na lang at ini-enjoy ang buhay ay pinili pang magtrabaho:

Leuqar Oilegnave – Ang galing mo nmn po tatay kht my edad kna po nag tratrabaho k parin po.. my ibang tao po ksi n kht ndi pa gaanong matanda nanghihingi at nanloloko pa po…

Jason Caballero – Lagi ko nga nkikita yan c tatay dyan. Napoleon Rivera – Saludo ako syu tatay..

Ito ang buong Facebook post:

Pag nagpahangin po kayo ng gulong sa Shell TS Cruz (Alabang-Zapote Rd, Almanza) at si tatay “Bro” Boy, 68y/o ang nag assist sa inyo, bigyan nyo po sya ng tip kahit papano.

47 yrs daw po syang naging empleyado sa Shell (ang tagal, kasing tagal na ng kanyang sobrang kupas na suot na polo shirt at sumbrero).

Larawan kuha mula sa post ni Kewol Oro

Nag resign na daw po sya 2yrs ago at minsan pumupunta sa Shell at ang kinikita nya ay galing sa mga tip na binibigay sa knya- umeekstra ekstra sya sa air pump section on his free will para may konting kita at exercise sya…