13-Anyos na Bata, may Malubhang Karamdaman at Nangangailangan ng Tulong!

0
146

Mahirap para sa isang ina ang magkaroon ng karamdaman ang kanyang anak kaya naman hahamakin niya ang lahat mapagamot lang niya ito.

Isang ina sa Pasay City ang humihingi ng tulong sa programa ng Raffy Tulfo in Acti0n. Sa pamamagitan ng facebook ang ibinahagi ni Edwilyn Joyce Rostata ang kalagayan ngayon ng kanyang anak na si Denmark Rostata na 13-taong gulang.

Makikita sa mga larawan ang nakakaawang sitwasyon ng batang ito. Mayroon umano siyang Pneumoniå at Arthitis.

At ayon sa post ay mayroon din itong såkit sa dugo at nang makita sa resulta ng kanyang ultrasound na kulåni sa tiyan.

Ayon sa doktor nito ay nagkaroon na ng komplikasyon kaya naman mahabang gamutan at kakailanganin nila ng sapat na pera pang gamot sa bata.

Sa pamamagitan ng pag-post ni Edwilyn sa facebook o social media ay maaaring makarating sa mga may kakayahan na tumulong.

Nawa ay may tumulong sa batang ito at gumaling na siya. Paghilumin nawa ng Maykapal ang karamdaman niya. Tingnan ang orihinal na post ni Edwilyn sa kanyang facebook account.

Matandang Lalaki, May Malubhang Karamdaman Ngunit Walang sapat na Pera Para sa Kanyang Pang-0pera. Nangangailangan ng Tulong

Isang concerned netizen na si James Villasin Obligar ang nagbahagi ng larawan at sitwasyon ng isang matandang lalaki na may malubhang karamdaman.

Kumakatok si James sa mabubuti at busilak ang pus0 na sana ay tulungan si Tatay Eduardo Balino na mayroong Tum0r at nais magpa0pera ngunit wala sapat na pera dahil kapos umano sila.

Isa sa mga customer umano nila James si Tatay Eduardo at halos araw-araw daw sa kanila bumibili ng bigas.

Binanggit niya na walang cellphone si Tatay Eduardo kaya naman kung sino ang nais mag-abot ng tulong kay Tatay Eduardo ay ibinigay niya ang kanyang ilang impormasyon nang sa ganoon ay siya ang maging tulay upang maipaabot ang tulong na para kay Tatay Eduardo.

“Kumakatok po ako sa may mabubuting at busilak na pus0 ,,Sana po matulungan po natin si tatay ,,..Sya po ay si tatay EDUARDO BALINO nakatira po sya sa Nagpayong Pinagbuhatan pasig city.sya po ay may sakit na tumor at nais nya po sana magpa opera kaso kapos po sya sa financial Kaya Hindi po sya makapag pa 0pera ..

Costumer po namin sya ,at halos araw araw PO sya nabili samin ng bigas ..Sabi po ni tatay dalawa Lang daw po sila ng Asawa nya SA bahay nila kaya kapos po talaga sila Kasi Wala din po silang trabaho..Wala daw pong cp si tatay kaya po sa mga nais pong tumulong pwede nyo po ipahatid Ang tulong nyo SA gcash ko ,at sinisigurado ko po SA inyo na makakarating po Ito kay tatay..SIR RAFFY TULFO SANA PO MATULUNGAN NYO PO SI TATAY NA MAPA0PERAHAN..”

Para naman sa mga nais na magbigay ng tulong kay Tatay Eduardo ay narito ang origingal na post ni james sa kanyang facebook account.

Narito din ang ilang impormasyon na kanyang ibinigay na makakatulong para sa 0perasyon ni Tatay Eduardo.

Mag-isang 90-year-old lola na tinitipid ang kakarampot na ulam ng ilang araw para makaraos sa kagutuman, inulan ng biyaya

Viral ngayon sa social media ang isang 90 years old na lola pilit lumalaban sa hamon ng buhay.

Pinukaw ang puso ng online community sa ginawang post ni Jun Butac tungkol kay Lola Lucena “Lola Lusing” Barangay Damiano na taga Brgy. Maananteng, Solsona, Ilocos Norte.

Photo: Facebook/Jun Butac

Sa pag-aalala ni Jun sa kalagayan ni Lola Lusing ay ibinahagi niya ang mga litrato nito upang makahinga ng kahit kakaunting tulong.

Dahil sa kahirapan sa buhay, pinagkakasya umano ni Lola Lusing ang kanyang kakarampot na ulam ng ilang araw. Naghihintay lang din umano siya ng kung ano ang maiabot na pagkain sa kanya ng mga kalapit na bahay.

Walang nabanggit si Jun sa kanyang post kung may kamag-anak ba si Lola o kung nasaan na ang mga ito. Pero mapapansin sa larawan na siya mag-isa lang na namumuhay sa kanyang tahanan.

Mabilis namang kumalat sa social media ang mga larawang ito ni Lola Lusing, kaya naman agad na nag-abot ng kanyang tulong ai Ma’am Rona mula sa Pasuquin, Ilocos Norte

Photo: Facebook/Solsona Mps

Sa tulong ng Solsona MPS ay natunton nila ang kinaroroonan ni Lola Lusing. Personal niyang iniabot ang kanyang tulong sa matanda na siyang nagbigay ng napakalaking ngiti kay Lola Lusing.

Maraming may mabubuting puso ang nagpaabot din ng kanilang tulong kay Lola. Makikita sa mga larawan ang napakaraming groceries at mga kagamitin para kay Lola Lusing.

Photo: Facebook/Jun Butac