Isang bata nagtitinda ng balut upang masuportahan ang pag-aaral; madalas inaabot ng hating gabi

0
221

Kwento ni Areane Reanoga Tabalan, nakiusap umano ang bata sa kanila na kung pwede ba siyang makiupo at magpahinga dahil pagod at inaantok na raw ito.

Hatinghabi na ngunit nasa lansangan pa ang bata at may pasok pa raw ito ng 7am kinabukasan.

Ayaw pang umuwi ng bata dahil hindi pa ubos ang kanyang paninda. Wala na raw siyang nanay at ang tatay naman niya ay may sakit.

wala na daw po syang nanay, ang tatay naman nya ay may sakit kaya sya nagsusumikap,” sabi ni Areane.

Maraming netizens ang napahanga sa kasipagan ng bata dahil hindi nito alintana ang pagod at antok makabenta lamang at makaipon ng pera para sa kanyang pag-aaral.

May mga netizens na gustong tumulong sa bata at pag-aralin.

Kinilala ang grade 7 student na si Jerahmeel Dela Cruz o mas kilala sa tawag na “Memeng” ng kanilang mga kapitbahay sa Paradise, Malanday, Marikina City.

Basahin ang buong post sa ibaba:

“Guys! pasikatin natin ang batang ito para matulungan, lumapit ang batang ito samin para makiupo at magpahinga dahil pagod at antok na antok na daw po sya.. nagtitinda sya ng balut para may pambaon sya sa school, wala na daw po syang nanay, ang tatay naman nya ay may sakit kaya sya nagsusumikap, mamayang 7am pa daw pasok nya pero gabing gabi na naglalako pa sya ng balut, Grade 7 na daw po sya.. Napakasipag ng batang ito at dapat nabibigyang pansin, paki Share na lang po..”

Lolo na Sinagip ng Programa ni Raffy Tulfo Mula sa Tirahan Nitong Mukhang Kulungan ng Baboy, Binawian na ng Buhay

Maraming tao na ang natulungan ng programang Raffy Tulfo in Acti0n at isa na nga rito ang matandang lalaki na nakatira noon sa isang maliit at marumi na tila kulungan ng bab0y.

Nakarating ang balitang ito sa naturang programa nang ibahagi ng isang concerned netizen na si Faith Jhen Vicera ang kalagayan ni Tatay.

Agad na nag-abot ng tulong si Idol Raffy nang makapanayam niya ang mga kaanak ni Tatay. Nagbigay si Idol Raffy ng pangcheck-up at panggam0t ni Tatay.

Makalipas ang ilang linggo ay muling binisita ng staffs ng programa si Tatay para kamustain ang kalagayan nito.

Naging maayos naman ang kanyang kalagayan. Nanirahan siya sa bahay ng kanyang kapatid at kinupkop siya nito. Humiling si Tatay kay Idol Raffy ng mga pagkain at agad namang tinupad ang kanyang kahilingan.

Nag-grocery ang isa sa mga staffs ni Idol Raffy ng mga biskwit, gatas, at mga groceries na kakailanganin ni Tatay.

Ngunit, sa kasamaång palad, ay sumuko na rin si Tatay. Malungkot na ibinalita sa programa na binåwian na ng buhay si Tatay.

Kuwento ng kanyang kapatid, maulan noon mga panahon na iyon, at marahil ay hindi umano nakayanan ni Tatay ang lamig. Hindi na rin niya makausap si Tatay dahil hindi na rin ito sumasagot hanggang sa mawalan na ito ng hiningå.

Nagpaabot naman ng tulong si Idol Raffy para sa pangdagdag sa gastusin sa pagkawala ni Tatay.

Labis naman ang pakikiråmay ng naturang programa sa mga naulilång pamilya ni Tatay. Marami din sa mga netizens ang nalungkotb sa nangyari.